^

PSN Showbiz

Dingdong, Karylle, nag-aaway pero di break!

-
Kahit si Dingdong Dantes natawa nang punahin naming alam na niyang seven months na ang relationship nila ni Karylle. Nang una namin siyang tanungin tungkol dito’y walang maisagot at hindi alam ang exact date nang sagutin siya ng girlfriend.

Itinanggi ni Dingdong ang nai-report na break-up nila ni Karylle pero, nagkakaroon sila ng arguments paminsan-minsan.

"Ang maganda sa amin, nag-uusap kami ‘pag may problema and we respect each other’s opinion. Mahinahon ang pag-uusap namin, walang nagtataas ng boses and we meet halfway all the time," sabi nito.

Ayon pa kay Dingdong, conservative siyang boyfriend pero, wala siyang ipinagbabawal kay Karylle pati sa pananamit nito. Hindi na raw bata ang gf para lagyan pa ng rules sa kanilang relasyon.

Samantala, excited na si Dingdong sa pagbabalik ng reality-based artista search. Makakasama nila ni Jolina Magdangal si Raymond Gutierrez sa pagho-host nito at sa primer palang sa Linggo, November 27, sasalang na sila.
* * *
May plano na yatang magdirihe ng pelikula si Rustom Padilla. Nabalitaan naming may ipinadala itong script sa Backroom, Inc. para kay Ariel Rivera. Ang magaling na asawa ni Gelli de Belen ang gusto nitong magbida sa kanyang directorial debut.

Sayang at wala pang ibang detalye sa movie project ni Rustom na naitsika sa amin ng aming source. Pero, kung magugustuhan ni Ariel ang project, tiyak na tatanggapin nito.

Matatandaang nag-aral ng special course sa filmmaking sa States si Rustom nang manirahan siya sa ibang bansa.
* * *
Kung ang ABS-CBN ay GMA 7 ang kalaban, ang Studio 23 ay ang QTV Ch. 11 ang katapat. Sa rating results, may indication na tinatalo ng QTV ang Studio 23 pati ang music TV na balwarte ng Studio 23.

Mas mataas ang rating ng MMS o My Music Station ng QTV kumpara sa limang music program ng Studio 23 gaya ng Myxilog, Pop Myx, Rock Myx, Myx Versions at Club Myx. Ang Star Myx at Mellow Myx lang ang lumalaban.

Sa News and Public Affairs, nag-launch noong November 11 ang News on Q sa rating na 0.9. Ang News Central ng Studio 23 ay may 0.4 rating. Noong Nov. 15, may 2.2 rating ang news program ng QTV at 0.2 ang naitalang newscast ng Studio 23.

Pero, tiyak na hindi papayag ang mga taga-Studio 23 na mamayani sa rating ang QTV. Hintayin natin ang kanilang pagresbak. – Nitz Miralles

ANG NEWS CENTRAL

ANG STAR MYX

ARIEL RIVERA

CLUB MYX

DINGDONG DANTES

JOLINA MAGDANGAL

KARYLLE

MELLOW MYX

MY MUSIC STATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with