^

PSN Showbiz

Vina Morales: The Ultimate Performer

- Veronica R. Samio -
Nagtataka ako kung bakit ang isang napaka-husay na performer na tulad ni Vina Morales ay halos walang concert dito sa Pilipinas. Kinakailangan pa niyang pumunta ng abroad para dun ipakita kung gaano siya kahusay na performer. At hindi matatawaran ang tagumpay ng lahat niyang palabas sa abroad.

Kung di pa dahilan kay Annabelle Rama na sa pamamagitan ng kanyang Golden Era Production ay ipo-produce ng isang concert si Vina sa October 28, sa Grand Ballroom ng Dusit Hotel, Makati, ay hindi pa tayo magkakaro’n ng pagkakataon na makita kung gaano kahusay na singer/ performer ang magaling ding aktres.

Pinamagatang An Evening with the Total Performer, ipamamalas ng alumna ng That’s Entertainment kung bakit siya pinangalanang JLo of the Philippines. Babanat siya ng maraming danceable numbers ganundin ng mga ballads na kung saan ay makikita ang kanyang vocal range.

Makakasama niya sa show sina Ogie Alcasid, Gladys Guevara at Jerome John Hughes. Musical director si Gerry Matias at overall director naman si Al Quinn.

May lalabas na commercial si Vina pero ayaw pa niyang sabihin kung anong produkto ito.
* * *
Sa episode ngayong Martes ng Bora, ABS CBN, type ligawan ni Luis Manzano si Rica Peralejo pero di payag si Nash Aguas.

May plano naman sina Dodong (Roderick Paulate) at Ursula (Chokoleit) na mag-sponsor ng taunang Bora Greener Summit pero, di ito feel ni Kuchay (Assunta de Rossi) dahil baka mapabayaan nito ang resort. Pumayag din ito sa huli na ikinagalit ni Ursula. Bakit Kaya? At bakit ayaw ni Brando (Nash Aguas) na maligawan ang kanyang mommy?
* * *
Magkakarelasyon ang mga bida ngayong umaga sa Sis, 10:30 NU, GMA7, mga tatay at ang kanilang mga anak.

Pag-uusapan ng mag-aamang Ramon Christopher at Jessica Clarise, Tonton Gutierrez at Aneeza Julia, Dingdong Avanzado at Jayda, William Martinez at Dana ang mga bonding moments nila, kung paano nila binigyan ng pangalan ang mga bata, atbp. Gaano ba sila magkakakilala?

Magkakaro’n din ng "Daddy Make-over" challenge, aayusan ng mga celebrity dads ang kanilang mga daughters. Dalawang maswerteng father-daughter teams sa studio audience ang magwawagi sa segments na "Sis Guest of Honor".

AL QUINN

AN EVENING

ANEEZA JULIA

ANNABELLE RAMA

BAKIT KAYA

BORA GREENER SUMMIT

KUNG

NASH AGUAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with