^

PSN Showbiz

Si Marvin na ang kapareha ni Rica

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Hindi na si Diether Ocampo o si Dingdong Dantes ang makakapareha ni Rica Peralejo sa Kutob kundi si Marvin Agustin, isang horror suspense na pang-Metro Manila Film Festival entry ng Canary Films.

Hindi pwede si Dingdong dahil may entry din ito sa GMA Films titled Mulawin. Magsisimula na ang syuting ng movie kaya magiging abala na naman si Rica. Idagdag pa rito ang piktoryal niya pero sa ikatlong album na gagawin nito under Galaxy Records. Paalis ito sa September 23 para sa ASAP Japan at sa October 1 naman, sa Australia para sa Wowowee.
Valerie, Mag-Aaral Din!
Desidido si Valerie Concepcion na ipagpapatuloy ang pag-aaral at kumuha ng kursong Business Management. May anak na siya na gusto niyang mabigyan ng magandang kinabukasan. Hindi naman habang panahon ay nasa tabi niya ang magulang.

Kahit sa paghawak ngayon ng pera ay masinop ito dahil ayaw na niyang tumanggap ng sustento mula sa ama ng kanilang lovechild. Wala na silang komunikasyon ngayon.

Hindi na nito iniisip na magkaroon ng magarbong debut ngayong Disyembre dahil gustong ipunin na lang ang pera para sa kanyang baby.
Red Eye
Babae ang bida at kakaibang tapang ang kanyang ipinakita upang mabigyan ang mga manonood ng isang airborne thriller na talaga namang nakakagulat ang suspense at excitement. Pinamagatang Red Eye, hataw sa husay ng akting si Rachel McAdams sa papel ng isang batambatang negosyanteng sakay ng isang jumbo jet na nakatuklas sa isang planong asasinasyon na kailangan niyang pigilan sa anumang paraan. Punumpuno ng makapigil-hiningang mga eksena mula umpisa hanggang katapusan. Kabituin sina Cillian Murphy at Brian Dox, ang Red Eye ay mula sa DreamWorks Pictures at ipinamamahagi sa ‘Pinas ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.
Madalas Mawala Ang Manager At Baguhang Aktor
Namasyal sa Amerika ang manager na konektado sa isang malaking network kasama ang ilang staff at mga kasamahang artista para sa TFC dun. Pero ayon sa aking source ay madalas mawala ang manager kasama ang kapatid ng kilalang aktor. Hindi ang aktor ang Papa nito kundi ang nakababatang kapatid nito na nag-artista rin.

Guwapo rin kasi ang young actor at malakas ang appeal kaya natipuhan ng manager. Baka naman kaya mabait ang young actor sa manager ay dahil gusto rin nitong sumikat gaya ng kanyang nakatatandang kapatid.

vuukle comment

BRIAN DOX

BUSINESS MANAGEMENT

CANARY FILMS

CILLIAN MURPHY

DIETHER OCAMPO

DINGDONG DANTES

GALAXY RECORDS

MADALAS MAWALA ANG MANAGER AT BAGUHANG AKTOR

RED EYE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with