^

PSN Showbiz

Anak ni Goma, nag-ala-Darna, lumipad!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Nagbabalik si Richard Gomez sa Encantadia bilang si Raquim na asawa ni Ynang Reyna na ginampanan naman ni Dawn Zulueta. Ayon sa aktor, nagi-enjoy siya sa telefantasya dahil pwede kang buhayin samantalang di pwede ito sa soap opera.

Excited na ito sa pagkukwento tungkol kay Juliana na five years old na. Natuwa ito nang minsang pumunta sila ni Lucy ng Amerika at sinabing nagpapabili ang anak ng pants at backless na t-shirt with matching Cuban high heels. Kahit makulit si Juliana ay hindi naman sila namamalo ng anak pero may notice stick si Goma bilang babala kapag sobrang kakulitan na ang ginagawa nito.

"Minsan nga ay nag-ala-Darna siya, nagsuot ng costume nito. Lumipad siya at tumalon at ginaya ang ginagawa ni Darna. Hayun… tuloy nasaktan siya," anang aktor.
Humihingi Ng Payo Sa Ama
Matagal naming nakakwentuhan si Charlie Davao na kasama rin sa Lisensyadong Kamao bilang kontrabida.

Naitanong namin sa kanya kung totoo ngang hiwalay na sina Ricky Davao at Jackielou Blanco. Ang alam niya, nagsasama pa ang dalawa na taliwas sa balitang di na sila nakatira sa iisang bubong.

"Hindi na raw kailangan ni Ricky ang payo ko dahil kaya niyang lutasin kung anumang problema mayroon silang mag-asawa. Very independent naman ang anak kong ‘yon although nasasaktan din ako kapag nakarinig na maswerte si Ricky dahil may mamanahin si Jackie. Ano bang ibig sabihin nito? Kung tutuusin, nang magpakasal sila ay dun siya tumira sa bahay na pundar ni Ricky.

Nalulungkot naman ako para kay Bing (isa pa niyang anak) dahil sa barkada ay natuto itong gumamit ng ipinagbabawal na gamot. Hindi naman ako nagkukulang ng pangaral sa kanya at di ko naman siya pwedeng bantayan 24 hrs a day," aniya.

Si Mymy Davao ay tapos ng Mass Comm sa La Salle.

"Kasama ko sa bahay si Charlon na maagang nag-asawa at lima na ang anak. Kailangan din nito ng trabaho dahil sunud-sunod ang anak nito at karaniwang housewife lang ang napangasawa nito," dagdag pa ni Charlie.
Susunod Sa Yapak Ni Angel
Workshopper ni Becky Aguila ang batang si Akina Bautista na lumalabas-labas na rin sa telebisyon. Twelve years old na ito at Grade IV ng San Jose Elementary School. Ipinanganak ito sa Japan kaya magaling ding magsalita ng Nihongo.

Paborito ni Akina si Angel Locsin at gusto niyang sumikat gaya ng idolo.

Very close si Akina sa kanyang ina na isang Pinay at madalas siyang magtungo ng Japan para dalawin ang kanyang ama na isang Japanese businessman.

Bata pa ay hilig na nitong mag-artista at wala siyang di gagawin para sumikat at maging katulad ni Angel.
Blind Item: Mangungupit Ang Promoter!
Panay pa rin ang litanya ng isang manager sa isang promoter na taga-showbiz din na nag-imbita ng kanyang talent sa Japan. Inaabot ng P300,000 ang tip nito sa rami ng lapad na tinaggap nitong tip.

Dahil di nagbibilang ng pera, pinalabas ng promoter na P50,000 lang ang kabuuan ng kinita nito.

vuukle comment

AKINA

AKINA BAUTISTA

ANGEL LOCSIN

BECKY AGUILA

BLIND ITEM

CHARLIE DAVAO

DARNA

NITO

RICKY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with