^

PSN Showbiz

Yasmien at Rainier, kulang sa exposure

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Lubos na ikinalungkot ni Matet de Leon ang hindi pagkabuhay ng baby boy niyang pinangalanang Juan Miguel Gerald Estrada. Ipina-cremate nito ang bata at ang abo nito’y, itinatabi niya sa pagtulog. Nakagaan sa sama ng loob ni Matet na marami ang naki-simpatiya sa nangyari sa second child nila ng asawa at first baby boy sana. Ikinatuwa rin nito ang madalas na pagtawag ng inang si Nora Aunor para siya’y kumustahin at kausapin.

o-O-o

Isang text message ang natanggap namin mula sa PR Department ng GMA-7 at ipinaalam na may Starstruck 3. In fact, sa SOP sa August 14 na ang launching nito. Malalaman kung saan makakakuha ng application ang mga gustong sumali sa reality-artista search.

Nagbago kung ganoon ang desisyon ng Ch. 7 management na ‘ipagpaliban muna this year ang Starstruck at pasisikatin muna sina Ryza Cenon at Mike Tan, ang winners in this year’s search.
* * *
Hindi pa kami nakakabisita pero, may nagsabi sa aming sa thread nina Yasmien Kurdi at Rainier Castillo sa igma.tv ibinuhos ng kanilang fans ang sama ng loob sa GMA-7 sa hindi pagsama sa dalawa sa Season 8 ng Love to Love. Ang dami raw nag-post ng kanilang tampo sa network sa pag-aakalang pinababayaan nila ang Yasmien-Rainer loveteam. Wala raw regular show ang dalawa maliban sa SOP Gigsters at minsan, hindi sila ang magkasama sa dance number. Pero, katatapos lang nina Yas at Rainier sa Season 6 ng L2L at pagbigyan naman nila ang ibang loveteam para makilala’t sumikat. Saka, nabanggit ni Yasmien na magkakaroon ng bagong TV show si Rainier sa Zoe Broadcasting Ch. 11, I’m sure, silang dalawa ang magkasama roon.
Mapapanood din sila sa pelikulang Lovestruck na may September playdate. Tumitiyempo lang siguro ang Ch. 7 at mabibigyan din ng exposure ang Yas-Rainier love team gaya sa Jennylyn Mercado-Mark Herras tandem.
* * *
Disappointed ang viewers ng Encantadia na bumili ng CD ng "Tunog Kapuso: Best of GMA TV Themes". Isang kanta lang ng tele-fantasy, ang theme song nitong Mahiwagang Puso nina Karylle at Jerome John Hughes ang kasama and to think, maraming magagandang songs ang tele-fantasy.

Natuwa na sana ang followers ng tele-fantasy sa balitang maglalabas ang GMA Records ng sariling OST o Original Soundtrack ng Encantadia pero, nang tanungin namin ang kaibigang taga-GMA Records, wala raw plano.

May kopya kami ng "Tunog Kapuso" at kasama sa album ang "Di Na Mag-iisa" theme song ng Darna at version ni Jonalyn Viray, "Asa" theme song ng Sugo, "Ikaw Nga" na theme song ng Mulawin at iba pa.

Incidentally, "I hope so," ang sagot ni Iza Calzado nang tanungin namin kung ma-i-extend ang Encantadia. Ang dinig namin, aabot pa ito ng December at may nagsabi namang, baka umabot pa ito sa January 2006.

Ang headwriter nitong si Suzette Doctolero ang makakaalam kung totoong ma-i-extend ito. Halimbawang totoo, hindi matutuloy ang balak nitong magpahinga ng one month kapag natapos na ang taping ng tele-fantasy bago muling magsulat.
* * *
Hindi pa man nag-i-air ang Ang Panday, marami ng fans ang tambalan nina Jericho Rosales at Heart Evangelista. Ikinatuwa ng mga ito ang balitang parehong loveless ang dalawa’t posible raw silang magka-developan.

Hindi pino-problema ng Jericho-Heart fans ang age gap ng dalawa’t naniniwala silang age doesn’t matter pagdating sa pag-ibig. Five years lang daw ang tanda ni Jericho (25 years old nga ba?) at 20 years old naman si Heart. Excited na ang dumaraming Heart-Jericho fans sa pagdating ng Ang Panday sa September. Tiyak silang magugustuhan ng viewers ang tambalan nina Tristan (Jericho) at Eden (Heart).

ANG PANDAY

DI NA MAG

ENCANTADIA

HEART EVANGELISTA

IKAW NGA

IKINATUWA

ISANG

TUNOG KAPUSO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with