^

PSN Showbiz

Kissing friends lang sina Carlo at Aleck?

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -
Nakakwentuhan namin si Aiai delas Alas sa outlet ng Starbucks sa ELJ Bldg., ng ABS-CBN. Sa sipag nitong tsumika, parang hindi siya galing sa matinding atake ng asthma.

Ang problema sa kanyang lovelife ang isa sa mga napag-kuwentuhan namin ni Aiai. That day, July 28, hindi maganda ang relasyon nila ng American boyfriend niyang si Art Carter sa hindi niya pagkatuloy bisitahin ito sa Ventura, California sa birthday nito dahil nga nagkasakit siya. Binasa ni Aiai sa amin ang latest text message sa kanya ng bf na may tonong nagtatampo.

Isa pa sa hindi nila mapagkasunduan ay kung saan sila titira kapag sila’y nagkatuluyan. Ayaw ni Aiai sa States at hindi naman maiiwan ang semi-conductor business ng boyfriend sa California. Nagbiro si Aiai na tila mauunsiyami ang dream niyang magkaroon ng blue-eyed baby sa nangyayari sa relasyon nila ni Art.

Pero, kahit ngarag sa kanyang lovelife at nalalabuan sa takbo ng kanyang career, hindi pa rin naalis kay Aiai ang magpatawa. Ang pinagtripang paglaruan ay ang mga regalo ng bf. So far, dalawang Victoria’s Secrets na pantulog at necklace na kung i-describe ay mapusyaw na gold. Para naman daw buntot ng pating ang pendant.

"Kaloka lang dahil parang hindi buong buntot ng pating. Hindi pa binuo. ‘Yung pantulog naman, aanhin ko ‘yun? Saka, kaya kong bumili noon. Mabuti pa yung PA namin sa My Juan and Only, ang daming regalo ng dyowang Australian. Ha-ha-ha!," tsika ni Aiai na ikinatawa rin namin.
* * *
Nagbibiro lang si Carlo Maceda sa sagot na "kissing friend" nang kumustahin namin si Aleck Bovick sa kanya. May isa pa itong isinagot na hindi na namin isinulat at baka seryosohin ni Aleck at pag-awayan nila.

Itinanggi ni Carlo ang sinasabing relasyon nila ni Aleck dahil pareho silang seryoso sa kanilang career.
* * *
Itinanggi ni Drew Arellano ang nasulat na nakita sila ng girlfriend niyang si Iya Villania na naghahalikan sa The Fort. Ang sabi pa’y, kahit marami ang nakakita’y hindi pa rin sila tumigil sa kanilang PDA o Public Display of Affection. Walang mahabang explanation si Drew sa isyung ito, basta’t idinenay lang niya. Nagpasalamat nga ito’t hindi na lumaki ang isyu’t siya ang pinaniwalaan.

Incidentally, kung nasunod ang schedule, nakapag-simula nang mag-taping last week si Drew sa pilot episode ng show niya sa Zoe Broadcasting Ch. 11. Tila Balikbayan ang narinig naming title ng kanyang show.
* * *
Sa manager niyang si Angie Magbanua namin hiningi ang reaction ni Lance Raymundo sa na-post sa Internet na bading siya at may dyowang male singer. Nagulat daw muna si Lance at sinundan ng tawa.

Ayon kay Angie, sinabi na lang niya kay Lance na baka sikat na siya kaya, siya iniintriga. Hindi rin alam ni Angie kung sino ang male singer na pilit na inili-link kay Lance. Sure rin siyang, hindi kilala ni Lance ang nasabing male singer. Pinaaabangan pala ni Angie ang bagong album ni Lance na iri-release ng Viva Records sa September. Maganda raw ang album at magugustuhan ng marami.

vuukle comment

AIAI

ALECK

ALECK BOVICK

ANGIE

ANGIE MAGBANUA

ART CARTER

CARLO MACEDA

DREW ARELLANO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with