^

PSN Showbiz

Kristine, gamit na gamit sa promo ng movie ni Diet

-
"Ate, nagkabalikan na po sina Diet at Tin," ito ang unang mensahe sa amin ng fan na siya ring nagbalitang nagkahiwalay na sina Kristine Hermosa at Diether Ocampo two months ago.

Sa totoo lang, hindi na kami nagulat dahil nu’ng time na ibinalita sa amin ay may nakausap din kaming taong malapit sa dalaga at inaming nahihirapan nga siyang maka-recover dahil mahal na mahal niya ang actor.

Nakakalungkot isipin dahil nagagamit si Kristine sa promo ng pelikula nina Claudine Barretto, Jericho Rosales at Diether na malapit nang ipalabas.

Dagdag pa ng fan, "Hindi nga po nagkikibuan sina Tin at parents niya, narinig ko, nagpagamit ka na naman!"

At sumagot daw si Kristine ng, "Mahal ko po, okey lang ‘yun."

Sana nga kumita ang movie para hindi naman nasayang ang panggagamit kay Kristine dahil sa mga naglabasang write-ups na iisa ang nilalaman, kontrabida si Kristine Hermosa. 
* * *
Kwento mismo ng ilang kasamahan sa panulat na nagkober ng pagpa-file ng magkapatid na Henry at Hero Angeles ng libel suit laban sa aming nanay nanayan sa showbiz na si Cristy Fermin ay naloka sila sa rami ng fans na dumating sa Pasig City RTC at maging ang mga empleyado raw ng RTC ay suportado si Hero at nagkaroon pa raw ng picture taking.

Nakakalungkot isipin na dumating na sa ganitong sitwasyon ang magkapatid, "Hindi na po namin makayanan ang nababasa namin araw-araw sa mga diyaryo, masyado na po kaming nadudurog," pahayag sa amin ni Henry.

"Hindi na po nakakatulog ng maayos ang parents ko dahil sa mga isyu, nadadamay sila na hindi naman dapat," panig naman ni Hero.

Handa raw ang magkapatid sa kahihinatnan ng kasong isinampa nila at kung ano rin daw ang gagawin sa kanila ng ABS-CBN Star Magic ay handa sila.

Balitang isususpinde sila ng Star Magic dahil sa mga ginagawa nilang pagpapa-interbyu sa mga reporter na identified daw sa GMA 7, nadagdagan pa ang hindi magandang pagtrato nila sa staff ng The Buzz na gustong ikober ang 11th Hero’s Day na ginanap sa SM City last Sunday?

"Kung hindi po kami magsasalita, paano malalaman ng lahat kung ano ang totoo? Ilang beses na kaming nagpaliwanag sa mga press sa ABS, hindi naman kami pinakikinggan.

"’Yung sa coverage ng fans day, hindi kami ang may say do’n, ang Skechers kasi sila ang sponsor kasama na ang SM, sabi nila, bawal ang TV coverage kasi baka magamit kasi nga libre ‘yung show.

"At saka, bakit bigla silang nag-effort na ikober ang 11th Hero’s Day, e, ‘yung mga naunang fans day, hindi naman sila interesado? Nag-ask ako noon ng coverage, wala raw, tapos ngayong anibersaryo, biglang gustong ikober?
* * *
Nakausap naman namin si Tita Cristy Fermin at nakahanda rin daw siyang harapin ang demanda ng magkapatid na Angeles, nagtataka lang daw siya kung saan humugot ng lakas ng loob si Hero para gawin iyon.

"Sa rami na ng bagyong pinagdaanan ko, sa rami na ng kasong nalampasan ko, ngayon pa ba ako mapapagod, e, halos doon na ako nakatira sa korte? Karapatan nilang magdemanda, walang makapipigil do’n," pahayag ni Tita Cristy sa kabilang linya ng telepono.

Nabanggit ng kilalang manunulat na walang nag-utos sa kanyang tirahin si Hero at ang pamilya niya, "Alam ng ABS-CBN na hindi nila ako pwedeng turuan o pigilan ng isusulat ko dahil karapatan ko iyon bilang manunulat."

At binanggit namin na isa sa nag-trigger sa magkapatid na ituloy ang kaso ay ang sinabing’ "Lumuhod at magmakaawa kayo kay Cristy Fermin."

Nagulat si Tita Cristy, "Ha? Hindi ako Diyos para luhuran, wala akong sinabing ganyan at bakit ko sasabihin ‘yun, how can I defend that, I wasn’t there?" katwiran pa.

"Madali akong kausap, sana hindi sila nakinig sa iba, madali akong lapitan," dagdag pa. – Reggee Bonoan

vuukle comment

CLAUDINE BARRETTO

CRISTY FERMIN

DAHIL

KRISTINE

KRISTINE HERMOSA

STAR MAGIC

TITA CRISTY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with