^

PSN Showbiz

Joross, nasigawan ng direktor!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Naikwento ni Direk Joey Reyes na makulit si Joross Gamboa na isa sa mga artista nito sa Can This Be Love ng Star Cinema. May pagka-attention-seeker din daw ang aktor.

One time, ipinagbilin nito na huwag na huwag itsi-tsek ang make-up sa harap ng kamera na ginagamit nila sa syuting. Pero ginawa ni Joross, kaya ang ending ay nasigawan ito ni direk.

"Pero nang masigawan ko lang ng isang beses ay di na ito umulit at behaved na siya," ani direk. Idinagdag pa rin nito na ala-William Martinez ang dating ni Joross.

Sa kabilang banda, tiyak na kakagatin ang loveteam nila ni Roxanne Guinoo dahil sa tunay na buhay ay mag-MU sila. Hindi naman nila ito itinago at sinabing boto ang kani-kanilang pamilya sa kanilang relasyon. Kaya lang kabilin-bilinan ng mga ito na mag-concentrate muna sila sa kanilang career at huwag magpakaseryoso sa pag-ibig.
Sandara, Kahit May Lagnat, Trabaho Pa Rin
Saludo si Direk Joey Reyes kay Sandara Park dahil hindi lang ito magaling na artista kundi napakapropesyonal pa rin.

"Sa isang eksena kasi ng movie namin ay ginugulpi ito sa gubat. Nilalagnat na siya kaya pinauuwi ko na. Ipa-pack up ko na lang ang syuting pero hindi siya pumayag at ayaw umuwi. Sinabi nitong ituloy na lang namin ang trabaho. She keeps her word na hindi mambibitin kailanman ng trabaho," anang direktor.
Angel, Wala Pang Regalo Mula Kay Oyo
Naging star-studded ang birthday celebration ni Angel Locsin sa Zirkoh noong Sabado. Natapos ito ng madaling-araw kung saan nakisaya sa magandang aktres ang mga executives ng Siete sa pangunguna ni Wilma Galvante gayundin ang Regal matriarch na si Mother Lily. Naroon din ang mga kasamahan nitong artista at ang special date niya ng gabing yon na si Oyo Boy Sotto.

Tanong tuloy ng marami kung ano ang regalo nito sa kanya?

Wala pang natatanggap na regalo si Angel at ipinagagawa pa raw ng aktor. Hindi kaya papalitan nito ang bracelet na bigay noon sa aktres ng yumaong boyfriend na si Miko Sotto?

Dumating din si Ali Sotto at ang asawa nitong consul para bumati kay Angel kaya super-saya nito.

Tuwang-tuwa ito sa natanggap na regalo mula sa Happy Toothpaste na isang mamahaling cellphone P910-I.
Blind Item: Lady Produ, Nasampal!
Naging magulo ang ginawang hearing para sa dalawang seksing grupo na umabot pa sa pag-aaway. Isang lady produ na palakad-lakad ang di inaasahang nasampal ng kung sino. Galit na galit nitong hinanap ang may kagagawan pero hindi niya nakita sa bilis ng pangyayari.

vuukle comment

ALI SOTTO

ANGEL LOCSIN

BLIND ITEM

CAN THIS BE LOVE

DIREK JOEY REYES

HAPPY TOOTHPASTE

JOROSS

JOROSS GAMBOA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with