^

PSN Showbiz

Pinaghubad sa harap ng bisita!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Naibulong ng isang source na noong nagsisimula pa lang sa showbiz ang maganda at seksing aktres na ito ay may kakaibang pinagagawa sa kanya ang isang kaibigang produ. Sa kagustuhang kumita ay pikit-mata niyang sinunod ang gusto ng produ.

May mga mayayaman itong bisita sa isang hotel suite at papupuntahin doon ang aktres. Pinaghuhubad ito sa harapan ng mga bisita at doon rumarampa.

Ang baguhang sexy star ay marami nang naka-line-up na projects dahil sosyal ang ganda nito at kasali siya sa isang entry para sa Metro Manila Film Festival.
Angel, Sumabak Sa Aksyon
Nag-aaral ngayon si Angel Locsin ng kickboxing at karate dahil kailangan niya ito sa mga fight routines sa Mulawin. Excited ang aktres sa kanyang ginagawa dahil pangarap pala nitong maging action queen someday.

Hindi mapapasubalian na si Angel ang pambato ngayon ng GMA 7 sa kalipunan ng mga kabataang artista.

Nang maging muse ito ng Coca-Cola nang magbukas ang PBA ay well-applauded ito at maraming players ang nagka-crush sa kanya. Hindi lang ito ratsada sa pelikula at television kundi gayundin sa pagiging endorser ng iba’t ibang produkto.

Wala pa rin itong panahon para pumasok sa bagong commitment. At would you believe na regular pa rin ang dalaw nito sa puntod ng nobyo kahit abutin pa siya ng madaling araw?

Hindi kaya masilo ang kanyang puso ni Richard Gutierrez na nagpapalipad hangin na sa kanya?
Nakatulong Ang "Tomboy" Issue
Kaiba talaga ang showbiz! Mas kinakagat at sisikat pa ang artista kapag may intriga kahit malaking kahihiyan ang idudulot nito sa katauhan gaya ni Desiree del Valle kung saan isiniwalat ang pakikipagrelasyon kay Elaine Crisostomo. Pawang negatibong balita ang ikinabit noon kay Desiree pero nasaan ito ngayon?

Lalo pa itong nagkaroon ng raket, regular na siya sa MTB at marami pang TV guesting. Maligaya rin ngayon si Desiree sa piling ni Luis Alandy na di apektado kahit ano pang sabihin laban sa kanyang mahal.
Eula, Babae Ang Magiging Anak
Pitong buwan na ang dinadala ni Eula Valdez at inaming di maselan ang kanyang pagbubuntis. Nagpa-ultra sound na ito at babae ang magiging anak. May nakahanda nang pangalan ang mag-asawa, Juliana.

Kaiba naman sa ibang mister dahil ang gusto palang maging anak ng asawa ni Eula ay puro mga babae. Kapag malaki-laki na ang baby nila ay gusto niyang magbalik-showbiz. Pero paano kung magdesisyon ang kanyang asawa na sa abroad na sila manirahan? Naka-base kasi ito sa abroad. Pero kung pamimiliin ay pamilya ang prioridad ni Eula.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

BABAE ANG MAGIGING ANAK

ELAINE CRISOSTOMO

EULA

EULA VALDEZ

KAIBA

LUIS ALANDY

METRO MANILA FILM FESTIVAL

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with