^

PSN Showbiz

Niño, idinemanda ng concubinage!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Ayon kay Amalia Fuentes, gusto niyang mabuo ang pamilya ni Niño Muhlach kaya lang malabo na ito dahil nagsampa na yata ng demanda ang asawa nitong si Edith Millare ng concubinage. Nalulungkot ang aktres para sa pamangkin dahil nasira ang pamilya nito.

Balitang kung sinu-sino na lang ang nililigawan nito at hindi na tumigil sa pambabae. Mabait si Onin kaya sana’y makapag-isip-isip na iba pa rin ang may buong pamilya na makakasama niya sa kanyang pagtanda.
Dinumog Ang Grand Kapuso Fans Day!
Ayon sa isang insider ay ang StarStruck pa rin ang pinagkakaguluhan sa lahat ng mga artistang dumalo sa Grand Kapuso Fans Day na ginanap noong Linggo sa Folk Arts Theater, kabaligtaran sa sinasabing laos na ang grupo.

Hindi nakapasok sa booth si Jennylyn Mercado dahil sa rami ng fans na sumalubong dito kaya sa labas ng booth na lang ito pumirma ng autograph.

Panay din ang tilian ng mga fans kina Mark Herras at Rainier Castillo.

Sa kabilang banda, pinagkaguluhan din ang mga artista ng Joy Ride at nasaktan si Warren Austria. Hindi rin nagpatalbog ang booth ng Mulawin at pinagkaguluhan ng husto ang tambalan nina Angel Locsin at Richard Gutierrez. Panay ang tawag sa kanila ng Aguiluz (Richard) at Alwina (Angel) kaya aliw na aliw ang dalawa.
Fans Na Malikot Ang Kamay!
Ibang-iba ang mga movie fans noon kaysa ngayon. Ngayon, hindi na lang nila pinagkakaguluhan ang kanilang mga idolo.

Hindi rin naging maganda ang ginawa ng ibang fans nang nakawin nila ang mga ipinagbibiling VCD ng GMA 7. Pati mga nakasabit na mga lobo sa booth nung Grand Kapuso Fans Day ay pinagkukuha rin ng mga ito.

Maraming mga fans ay may iba pang motibo kapag dumarayo sa showbiz happening. Kapag nakalingat ang mga artista ay mawawala ang mga cellphone at ibang gamit nila.
Bryan, Dubber Na Sa Astroboy
Bukod sa pelikula ay may pinagkakaabalahang stage play si Bryan Homecillo. Isa siya sa bida ng Oliver na ipalalabas sa kanilang iskwelahan. Graduating na sa grade 7 sa taong ito si Bryan kung saan honor pupil ito.

Dubber din si Bryan sa Pangako Sa Iyo (English version) na ipalalabas sa ibang bansa. Ang kanyang tinig din ang gagamitin sa Astroboy at siya rin ang boses sa Mexican telenovela ng isa sa mga bata, ng Good Morning Teacher ng GMA 7.

Hinangaan muli ang acting ni Bryan nang gampanan nito ang batang Erik Santos sa Maalaala Mo Kaya sa Erik Santos Story kamakailan ganun din bilang batang John Regala sa Magpakailanman sa GMA 7 sa kwento ng buhay ni John Regala.

Mabenta sa telebisyon si Bryan dahil maaasahan ito sa drama at madaling tumulo ang luha gayung masayahin itong bata sa tunay na buhay.

AMALIA FUENTES

ANGEL LOCSIN

AYON

BRYAN HOMECILLO

DINUMOG ANG GRAND KAPUSO FANS DAY

FANS

GRAND KAPUSO FANS DAY

JOHN REGALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with