^

PSN Showbiz

Kamag-anak ng tatay ni Sheryl malaki ang hinanakit sa aktres

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Ayon sa isang very reliable source ay masamang-masama ang loob ng mga kamag-anak ni Sheryl Cruz dahil hindi man lang sila nadalaw o binati nito. Isa na rito ang kapatid ng kanyang yumaong ama na si Beth, mommy ni Rayver Cruz na auntie naman ng aktres.

May teyping kasi si Sheryl sa Channel 2 at nagkataong nagti-taping din si Rayver doon kung saan magkatabi lang ang studio nila.

May dumalaw na mga reporter kay Sheryl at sinabing naroon sa kalapit na studio ang kanyang auntie kaya nagpasabi ito na dadalaw doon. Naghintay si Beth hanggang alas dose ng madaling araw pero nakalimutan siyang puntahan ng pamangkin. May taping break naman kaya gaano na lang dumaan ito sandali sa kanyang auntie para kumustahin siya.

Naging malamig din ang pakikitungo ni Geneva Cruz sa kanyang pinsan nang magkita ang dalawa sa Startalk last week. Kahit ang kapapanganak na pinsang si Sunshine Cruz ay di pa rin nito nadalaw.

Higit sa lahat ang ikinasasama ng loob ng pamilya ng kanyang yumaong ama ay ang di pa nito pagdalaw sa puntod ng nasirang ama at ang idinadahilan ay ang trapik.

Kaya tinanong tuloy nila ay kung bakit nasamahan nito ang asawa sa pagdalaw sa kanyang mga kamag-anak.

Wala na rin sa poder ni Nestor Cuartero si Sheryl at sinasabing siya na ang magma-manage sa kanyang sarili.
Di Martyr Sa Pag-Ibig
Two years na ang relasyon nila Patrick Garcia at Bianca King. At ngayon ay sinabi ni Bianca na nag-lay low muna sila para makapag-concentrate sa kani-kanilang career. Pero tuloy pa rin ang communication nila ni Patrick.

Unti-unti nang nakilala nang husto si Bianca dahil sa Mulawin kung saan ginagampanan nito ang papel ni Aviona na may gusto kay Richard Gutierrez bilang si Aguiluz.

Kahit abala sa taping ay hindi nito pinababayaan ang kanyang pag-aaral kung saan kukumuha ito ng Communication Arts sa University of Asia and the Pacific. Bukod sa Mulawin ay kasama rin ito sa Regal Idols at naging miyembro ng Click.

Pangarap ni Bianca na maging VJ o host ng isang show.
Mariel, Bida Agad
Isa sa naging pambato noon sa kwadra ni Jojo Veloso si Ina Raymundo. Ngayong nag-asawa na ito ay may bago itong look-alike sa katauhan ni Mariel Palma na taga-Bulacan at ilang ulit nang nanalo sa iba’t ibang beauty pageant sa kanilang lalawigan hanggang mag-decide na pumasok sa showbiz.

Dahil sa potensyal sa acting ay agad itong kinuha ng ATB-4 International at isinabak sa Tag-init bilang isa sa mga bida katambal si John Apacible at Russel Simon. Bukod sa maamo ang mukha ay morena pa ang kanyang complexion kaya nakakaagaw pansin. Estudyante ito sa isang pamantasan sa Maynila at huminto muna pansamantala sa pag-aaral dahil mas gusto munang gumawa ng pelikula. Pero desidido itong tapusin ang kursong Psychology. Bukod sa pag-arte ay magaling din itong kumanta at sumayaw na ala-Jennifer Lopez. Pangarap niyang makasama si Maricel Soriano sa pelikula.

Wala siyang limitasyon pagdating sa pagpapa-sexy dahil gusto niyang sumikat agad.
Raging Divas, Nagpa-Importante
Nagkaroon ng red carpet premiere night ang masayang pelikulang Connie and Carla kung saan nagkaroon ng guests impersonators. Sila pala yung Raging Divas ng Sis. Nagpa TV coverage ang Solar-UIP kung saan naimbitahan ang Dos at Siyete. Nakunan sila ng Channel 7 habang kumakanta. Pero nang dumating ang crew ng Dos ay ayaw nilang makunan dahil may kontrata raw sila sa GMA 7. Nalito kami sa patakarang yon dahil affair naman ito ng Solar-UIP. Pinakiusapan silang tatayo lang sa tabi ng poster pero ayaw pa ring magpakuha kahit sandaling-sandali lang. Ba’t yung ibang artista kahit kontratado sa Dos ay pwede namang magpa-TV coverage at lumalabas sa Siyete lalo na kung endorser siya ng produkto at hindi naman pang pelikula ito. Ganun na ba kahigpit ang kumpetensya?

Parang nagpa-importanteng masyado ang Raging Divas na ito dahil kahit sa pakiusap na tatayo lang sa may poster ng Connie and Carla kahit naka-sideview lang at hindi naman magsasalita ay di pa rin sila pumayag.
Huli Sa Akto Ang Aktres At Lover Ng Manager
Isa pala sa malaking dahilan kung bakit kinalasan ng manager ang sexy star ay dahil nahuli nitong nakikipag-romansa ang kanyang alaga sa kanyang lover na isa ring baguhang singer.

Shock talaga ang manager nang makita ang dalawa sa kwarto pa niya.

Ang ginawa nito ay pinalayas na lang ang sexy star at nakipaghiwalay din sa kanyang lover. Makati pa sa gabi ang sexy star at halos lahat ng talent ng manager ay kinakalantare nito.

vuukle comment

BIANCA

BUKOD

CENTER

CONNIE AND CARLA

DAHIL

ISA

KANYANG

RAGING DIVAS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with