^

PSN Showbiz

Piolo, nami-miss na maka-trabaho si Judy Ann

-
Malinaw ang naging pahayag ni Piolo Pascual sa isang panayam na kung sakaling gagawan sila ni Judy Ann Santos ng pelikula o isang soap opera ng ABS-CBN ay tatanggapin niya dahil trabaho ito para sa kanya. Ipinaliwanag naman ng aktor na artista lang siya at under contract ng Dos kaya kung anuman ang plano sa kanya o may ipinapagawa sa kanya ay ginagawa niya at walang problema sa kanya kung bibigyan siya ng isang soap opera na katambal muli si Juday.

In fairness sa aktor, kahit di siya nagpakita ng excitement sa napabalitang pagtatambal nilang muli ay nabanggit nito na sobra ang pagka-miss nito sa aktres dahil matagal na silang hindi nakapagtrabaho pagkatapos ng Sa Puso Ko, Iingatan Ka sa teleserye at Till There Was You naman sa movie.

Naalala namin ang sinabi sa amin ng aktor noon na gagawa sila ng pelikula ni Juday sa susunod na taon at nag-request pa ito sa amin na huwag munang ipagkalat dahil ayaw pang ipalabas ang balita ng Star Cinema. Tiyak na ipagbubunyi ito ng mga tagahanga ng dalawa kahit alam nilang ilusyon lang ito sa kanila dahil inisip nila, magkakaroon ito ng problema kung matigas pa rin ang paninindigan ni Mr. Alfie Lorenzo na sa ibang bansa kukunan ang muling pagtatambal ng dalawa partikular sa bansang Greece.

Sa ngayon ay walang alam ang aktor sa plano ng management sa kanya at lalong wala siyang ideya sa muli nilang pagsasama ni Juday sa isang proyekto. Kaya para maging safe sa pagsasalita ang aktor tungkol sa kanyang mga proyekto ay tikom ang bibig nito at hahayaan na lang daw ang management ang magbigay ng anunsyo. Alex Datu

vuukle comment

ALEX DATU

IINGATAN KA

IPINALIWANAG

JUDAY

JUDY ANN SANTOS

MR. ALFIE LORENZO

PIOLO PASCUAL

SA PUSO KO

STAR CINEMA

TILL THERE WAS YOU

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with