^

PSN Showbiz

Francine,di nagpatalo kay Diana

-
Ito ang mga salitang binitawan ng magandang sexy star na si Francine Prieto nang tanungin siya kung gaano ka-daring ang pelikulang Liberated 2. "Kung nagustuhan n’yo ang unang Liberated, siguradong mas mag-e-enjoy kayo dito," sey pa ng Sensuality Queen.

Sabi ni Francine, nakipagsabayan na talaga siya sa co-star niyang si Diana Zubiri pagdating sa paseksihan. Kung sa unang Liberated, ay si Diana ang all-out sa mga love scenes, pinantayan na raw niya ito kaya siguradong mas kagigiliwan ito lalung-lalo na ng mga tagahanga nilang barako.

Umaapaw nga raw sa love scene ang Liberated 2 pero hindi ito ang tipo ng love scenes na karaniwang napapanood sa ibang sexy movies. Ika nga ni Francine, "Ibang level ang pinagawa sa amin ni Direk Mac (Alejandre) sa pelikulang ito. Kung nahirapan kami ni Diana sa emosyon na dapat naming ipakita, mas lalo kaming nahirapan sa mga love scenes. Physically-challenging talaga kasi parang acrobatics ang ginawa namin," sambit ni Francine.

Maraming ‘di makakalimutang eksena si Francine sa Liberated 2 at isa na rito ang love scene niya sa refrigerator. At syempre, ang mga eksena niya with Christian Vasquez na pareho nilang tinuhog ni Diana.

At kung sino ang papaboran ni Christian sa kanilang dalawa, na kung tutuusin ay wala kang tulak kabigin, ay dapat ding abangan sa pelikulang ito.

Si Mac Alejandre pa rin ang direktor ng Liberated 2. Ang premyadong manunulat na si Ricky Lee ang sumulat ng istorya. Maliban kina Francine, Christian at Diana, kasama sa pelikula sina Rodel Velayo, Tuesday Vargas, Winston Elizalde at Ynez Veneracion. Tampok din dito ang magagaling na artistang tulad nina Chanda Romero, Dexter Doria, Jaime Fabregas at Anita Linda.

vuukle comment

ANITA LINDA

CHANDA ROMERO

CHRISTIAN VASQUEZ

DEXTER DORIA

DIANA ZUBIRI

FRANCINE

FRANCINE PRIETO

JAIME FABREGAS

RICKY LEE

RODEL VELAYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with