^

PSN Showbiz

Durugistang aktor,naka-maskara habang nagsa-shopping

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Kahit di man aminin ng aktor na siya’y gumagamit ng ipinagbabawal na gamot ay wala yatang naniniwala. Madalas kasi ay nasaksihan nila ang pagka-praning nito.

Minsan ay nakita nila ang aktor kasama ang kanyang mahal na nag-shopping sa isang mall. Nagtatawanan ang ilang taong nakakita sa aktor dahil naka-maskara ito. Binabati naman nito ang ilang taong namimili dahil kilala siyang artista.

Pumipirma pa siya ng autograph para sa ilang tagahanga pero naka-maskara pa rin. Wala namang magawa ang kanyang mahal at nakatingin lang sa kanya.

Sumikat din ang aktor noong kapanahunan niya pero ngayon ay sa TV na lang ito napapanood lalo na sa talk shows.
[email protected]
x Maraming nagtatanong kung hindi kaya nagpabawas ng boobs si Joyce Jimenez dahil bukod sa gumanda pang lalo ang katawan nito ay lumiit pa ang kanyang dibdib.

Ayon sa magandang aktres, sobrang pagwo-workout ang kanyang ginawa kaya lumiit ang kanyang dating malulusog na dibdib. Inamin nito na never niyang gagawin ang magpabawas ng boobs.

Bukod sa kanyang Private Joyce sa SM Manila na binuksan noong Abril 22 ay may bubuksan pang Private Joyce sa Beauty Central sa second level ng Greenhills Shopping Center. Kung ang ibang sexy stars ay walang ginagawa dahil wala nang pelikula, kaiba naman ang seksing aktres dahil abala siya sa pag-aaral at pag-aasikaso sa negosyo.
Cherry Pie, Iniyakan Ang Acting Award
First time na manalo ni Cherry Pie Picache bilang best actress para sa Bridal Shower ng Seiko Films. Lagi naman itong nominado sa iba’t ibang award-giving-bodies ang aktres. Ito ang kauna-unahang pagtanggap niya ng tropeo. Sa sobrang katuwaan ay umiyak ito habang kinukunan ng mga photographers.

Wala pa rin itong tigil sa kaiiyak lalo na nang ipaalam ang kanyang panalo sa manager na si Ed Instrella na nasa Bataa.

Inihahandog ni Cherry ang kanyang acting tropy sa kanyang anak.
Angel, Pang-Anim Sa Mga Seksing Babae Sa ‘Pinas!
Masayang ibinalita ni Becky Aguila na nasa ikaanim na pwesto ang kanyang alagang si Angel Locsin sa mga sexiest women ng isang magasin.

Hindi kami magtataka kung bakit ang daming manliligaw ngayon ang magandang aktres dahil bukod sa natural na kagandahan ay seksing-seksi pa rin ito. Bukod sa dami ng commercial at TV shows ay isa ito sa mga bida ng Singles kasama sina Ara Mina at Aubrey Miles. Pero hindi siya maghuhubad sa pelikula dahil wholesome pa rin ang imahe na gusto nitong project.

Balitang may gagawin din itong pelikula sa Amerika kasama si Richard Gutierrez. Kapag natupad ito ay tiyak na magiging masaya ang magandang aktres dahil matagal na niyang pangarap na makapunta ng Tate.
Angelika, Saludo Kay Jenny
Ipinakilala sa amin ni Angelika dela Cruz ang tumatakbong mayor ng Malabon City na si Jenny Sandoval, maybahay ni Congressman Ricky na tumatakbo ring congressman para sa ikalawang termino.

Maraming magagandang proyekto ang tumatakbong alkalde at prioridad dito ang pagsasaayos ng problema tungkol sa baha dahil mahalaga ito sa ekonomiya ng lungsod sa pagtatayo ng mga negosyo.

Malaki ang nagawa ng kanyang asawa bilang kongresista at isa na rito ang pagpapasa ng batas para maging siyudad ang Malabon.

Tapos ng BS Computer Science si Jenny at may isa silang 12 year old na anak.

vuukle comment

ANGEL LOCSIN

ANGELIKA

ARA MINA

CENTER

DAHIL

KANYANG

PRIVATE JOYCE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with