^

PSN Showbiz

Training Center para sa Overseas performing artist

-
Bukod sa mga ahensya ng gobyerno na itinalaga para sa kapakanan ng mga artists natin na lumalabas ng bansa, marami pa ring mga private companies na ginawa para magsanay ng mga local talents natin na ipinadadala sa ibayong dagat.

Isa sa mga kumpanya na nagdi-develop ng talents ay ang Training Grounds Corporation (TG Corp). Isa rin itong venue para ma-expose ang mga artists at makilala muna dito sa atin bago sila lumabas ng bansa.

Isa sa mga nasanay nang grupo na masasabing nagdadala ng pangalan ng TG Corp. ay ang TG Dancers na isang most-sought after dance group

Tatlong taon na simula nang mabuo ang grupo at ngayon bukod sa unti-unti na silang nakikilala ay nagkaroon pa rin sila ng mabuting pagkakakitaan sa pamamagitan ng pagsasayaw sa Upstage, Plus One, Shiawase, Shinju No Mori at Ginga to name a few. Napanood na rin sila sa maraming palabas sa TV na hindi nila madaling magagawa kung wala pa silang pangalan, sapagkat karamihan ng mga TV shows ay nag-gi-guest lamang ng mga talents na may pangalan na. Ang mga nagsisimula pa lamang na grupo ay mayro’n din namang mga napupuntahan, mga shows na tumatanggap ng mga amateurs.

Ang TG Dancers ay nakalabas na sa Eat Bulaga, SOP. Wansapanataym, Daisy Siete, Mr. Suave (the movie) among others.

Bukod sa pagsasanay ng mga talino, ang TG Corp. ay nagbibigay din ng voice lessons, streetdancing, karate, acting workshops, drum, guitar at piano lessons. Tumatanggap sila ng mga nagsisimula pa lamang at yung gusto mapagbuti pa ang kanilang craft. Nakapag-prodyus na sila ng mga talino na de kalibre at handa nang ma-tap para sa mundo ng musika, dance, acting. Ongoing ang enrollment dito.

Nagsasanay din ng talino ang TG Corp. para sa Overseas Performing Artists at tumatanggap ng auditions for dancers, singers and talents. Tumawag lamang sa 2400512 o 6829269 o pwedeng mag-text sa 09178520093. Pwede rin silang puntahan sa Blk. 12 Lot 10 Franc St., Cainta Greenpark Village, Cainta, Rizal.

BUKOD

CAINTA GREENPARK VILLAGE

DAISY SIETE

EAT BULAGA

FRANC ST.

ISA

MR. SUAVE

OVERSEAS PERFORMING ARTISTS

PLUS ONE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with