Boots Anson Roa, bagay na senadora
February 2, 2004 | 12:00am
Pagkatapos ni Miko Sotto na sumakabilang buhay, isa ring taga-industriya ang binawi na ng kanyang Lumikha, ang award-winning production designer na si Ignatius Aldana na mas lalong kilala sa showbiz bilang Tatus Aldana. Si Tatus ay binawian ng buhay nung alas-3 ng hapon sa Philippine Heart Center matapos itong isugod doon nina Direk Joel Lamangan, Direk Boots Plata.
Ayon sa kwento sa amin ni Direk Mel Chionglo, naroon umano sila sa UP Film Center para sa six weeks symposium na magkatulong na proyekto ng DGPI at UP Masscom students. Si Direk Mel ang main speaker at isa umano si Tatus sa mga resource speakers.
Magkasamang dumating sa film center sina Direk Joel at Tatus pero tumuloy muna ang dalawa sa rest room matapos silang mag-lunch sa canteen ng campus. Nauna umanong lumabas si Direk Joel at naiwan pa sa CR si Tatus.
Ang ipinagtataka ng mga nasa loob ng film center ay hindi pa bumabalik si Tatus kaya napilitan si Direk Joel na balikan ito sa CR.
Laking gulat ni Direk Joel nang makita niya si Tatus na wala ng buhay na nakaupo sa ibabaw ng toilet bowl. Dali-daling humingi ng tulong si Direk Joel para dalhin sa pinakamalapit na hospital si Tatus pero DOA (dead on arrival) na ito nang dalhin doon. Ganap na ika-3 ng hapon ay prenoklama na siya ng mga doktor na patay.
Kasalukuyang nagti-taping si Kris ng kanilang Morning Girls ni Korina Sanchez nang makarating ang text sa kanya tungkol kay Tatus. Hindi na tinapos ni Kris ang taping at dali-dali itong nagtungo ng hospital. Kahit wala ng buhay si Tatus ay pilit pa rin itong pina-revive ni Kris sa mga doktor. Iyak nang iyak si Kris sa sinapit ng kanyang best friend na si Tatus.
Nakakatuwang tingnan ang bayanihan na ipinakita ng mga kaibigan na nagmamahal kay Tatus na siyang nag-asikaso ng lahat. In full force silang lahat.
Iyak nang iyak si Cielito Legaspi, ang ina nina Randy, Rowell, Jun-Jun at Raymart dahil kapamilya na ang turing nila kay Tatus.
Maging si Claudine Barretto ay mugto ang mga mata sa kaiiyak. Doon namin nakita kung gaano ka well-loved si Tatus ng mga taga industriya.
Sa pagkakaalam namin, si Mother Lily ang sumagot ng casket ni Tatus, si Manay Ichu Maceda sa catering, si Kris Aquino sa mga bulaklak at iba pang mga pangangailangan at tumulong din sina Tita Midz (Armida Siquion-Reyna) at marami pang ibang malalapit na kaibigan ni Tatus.
Kung nasaan man ngayon si Tatus, nakatitiyak kami na masayang-masaya ito sa ginawa para sa kanya ng kanyang mga kaibigan sa industriya.Si Tatus ay pangatlo sa apat na magkakapatid. Isinilang siya nung Agosto 1, 1962 at 41 na siya nang siyay bawian ng buhay.
Pagkatapos ng ilang araw na paglalamay sa Sanctuario de San Antonio Chapel sa Forbes Park, Makati City, ang kanyang mga labi ay nakatakdang i-cremate ngayong alas-7 ng umaga sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque City. Sa mga inulila ni Tatus, ang aming taos-pusong pakikiramay.
Kung credentials ang pag-uusapan, ang aktres na si Boots Anson-Roa ang isa sa pinaka-qualified na magkaroon ng pwesto sa senado. Nagtapos siya ng AB Speech and Drama sa University of the Philippines at nakakuha ng certificate courses sa Basic Journalism at Public and Media Relations sa Georgetown University, Washington DC at ng Television Production sa Media General Cable Network sa Virginia. Bukod dito, nagkaroon din siya ng study grants sa Hilversum Radio & Television Network sa Netherlands at marami pang iba.
Nakuha pa rin ni Boots na magturo sa UP, Ateneo de Manila at sa De la Salle University at meron din siyang lingguhang programa sa DZMM bukod pa syempre sa kanyang pagiging isang mahusay na aktres. Naging lecturer/trainor din siya hindi lamang sa mga seminars at workshops dito sa Pilipinas kundi maging sa Georgetown University sa Washington D.C. Hindi na rin halos mabilang ang mga gawad at parangal na natanggap ni Boots.
Nakadalo rin si Boots sa ibat ibang conventions at conferences sa ibang bansa at kasama na rito ang RP-China Film Exchange Program na ginanap sa Beijing, China, ang 20th UNESCO International Media Conference na ginanap sa UNESCO Headquarters at sa Paris France at maging sa International Congress on Communication sa Mariapolis Center sa Rome, Italy. Pero higit sa lahat, si Boots ay isang ulirang maybahay ni Pete Roa at ina ng kanilang apat na anak na pawang professional na ngayon. Bibihira ang katulad ni Boots na napaghati-hati ang kanyang oras sa kanyang pamilya at sa kanyang trabaho.
Mula nung 1995, tatlong kandidato na ang humimok sa kanya na pasukin na rin ang pulitika pero walang nagtagumpay na makumbinse si Boots. Tanging si Fernando Poe, Jr. lamang ang kanyang tinanguan. Pinasok ni Boots ang pulitika hindi para makigulo kundi para ibahagi ang kanyang mga kaalaman lalo na sa industriya na kanyang kinabibilangan at pamilya ang gusto niyang maging sentro ng kanyang mga adhikain. Sa edad na 59, naniniwala si Boots na bihasa na siya sa maraming bagay para maging isang mahusay na public servant.
Isa ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde ang naniniwala sa kakayanan ni Boots kaya niya ito sinusuportahan. "Si Boots ay isang magandang halimbawa hindi lamang bilang isang artista kundi bilang asawa at ina," ani Mother Lily.
Email: [email protected]
Ayon sa kwento sa amin ni Direk Mel Chionglo, naroon umano sila sa UP Film Center para sa six weeks symposium na magkatulong na proyekto ng DGPI at UP Masscom students. Si Direk Mel ang main speaker at isa umano si Tatus sa mga resource speakers.
Magkasamang dumating sa film center sina Direk Joel at Tatus pero tumuloy muna ang dalawa sa rest room matapos silang mag-lunch sa canteen ng campus. Nauna umanong lumabas si Direk Joel at naiwan pa sa CR si Tatus.
Ang ipinagtataka ng mga nasa loob ng film center ay hindi pa bumabalik si Tatus kaya napilitan si Direk Joel na balikan ito sa CR.
Laking gulat ni Direk Joel nang makita niya si Tatus na wala ng buhay na nakaupo sa ibabaw ng toilet bowl. Dali-daling humingi ng tulong si Direk Joel para dalhin sa pinakamalapit na hospital si Tatus pero DOA (dead on arrival) na ito nang dalhin doon. Ganap na ika-3 ng hapon ay prenoklama na siya ng mga doktor na patay.
Kasalukuyang nagti-taping si Kris ng kanilang Morning Girls ni Korina Sanchez nang makarating ang text sa kanya tungkol kay Tatus. Hindi na tinapos ni Kris ang taping at dali-dali itong nagtungo ng hospital. Kahit wala ng buhay si Tatus ay pilit pa rin itong pina-revive ni Kris sa mga doktor. Iyak nang iyak si Kris sa sinapit ng kanyang best friend na si Tatus.
Nakakatuwang tingnan ang bayanihan na ipinakita ng mga kaibigan na nagmamahal kay Tatus na siyang nag-asikaso ng lahat. In full force silang lahat.
Iyak nang iyak si Cielito Legaspi, ang ina nina Randy, Rowell, Jun-Jun at Raymart dahil kapamilya na ang turing nila kay Tatus.
Maging si Claudine Barretto ay mugto ang mga mata sa kaiiyak. Doon namin nakita kung gaano ka well-loved si Tatus ng mga taga industriya.
Sa pagkakaalam namin, si Mother Lily ang sumagot ng casket ni Tatus, si Manay Ichu Maceda sa catering, si Kris Aquino sa mga bulaklak at iba pang mga pangangailangan at tumulong din sina Tita Midz (Armida Siquion-Reyna) at marami pang ibang malalapit na kaibigan ni Tatus.
Kung nasaan man ngayon si Tatus, nakatitiyak kami na masayang-masaya ito sa ginawa para sa kanya ng kanyang mga kaibigan sa industriya.Si Tatus ay pangatlo sa apat na magkakapatid. Isinilang siya nung Agosto 1, 1962 at 41 na siya nang siyay bawian ng buhay.
Pagkatapos ng ilang araw na paglalamay sa Sanctuario de San Antonio Chapel sa Forbes Park, Makati City, ang kanyang mga labi ay nakatakdang i-cremate ngayong alas-7 ng umaga sa Manila Memorial Park sa Sucat, Parañaque City. Sa mga inulila ni Tatus, ang aming taos-pusong pakikiramay.
Nakuha pa rin ni Boots na magturo sa UP, Ateneo de Manila at sa De la Salle University at meron din siyang lingguhang programa sa DZMM bukod pa syempre sa kanyang pagiging isang mahusay na aktres. Naging lecturer/trainor din siya hindi lamang sa mga seminars at workshops dito sa Pilipinas kundi maging sa Georgetown University sa Washington D.C. Hindi na rin halos mabilang ang mga gawad at parangal na natanggap ni Boots.
Nakadalo rin si Boots sa ibat ibang conventions at conferences sa ibang bansa at kasama na rito ang RP-China Film Exchange Program na ginanap sa Beijing, China, ang 20th UNESCO International Media Conference na ginanap sa UNESCO Headquarters at sa Paris France at maging sa International Congress on Communication sa Mariapolis Center sa Rome, Italy. Pero higit sa lahat, si Boots ay isang ulirang maybahay ni Pete Roa at ina ng kanilang apat na anak na pawang professional na ngayon. Bibihira ang katulad ni Boots na napaghati-hati ang kanyang oras sa kanyang pamilya at sa kanyang trabaho.
Mula nung 1995, tatlong kandidato na ang humimok sa kanya na pasukin na rin ang pulitika pero walang nagtagumpay na makumbinse si Boots. Tanging si Fernando Poe, Jr. lamang ang kanyang tinanguan. Pinasok ni Boots ang pulitika hindi para makigulo kundi para ibahagi ang kanyang mga kaalaman lalo na sa industriya na kanyang kinabibilangan at pamilya ang gusto niyang maging sentro ng kanyang mga adhikain. Sa edad na 59, naniniwala si Boots na bihasa na siya sa maraming bagay para maging isang mahusay na public servant.
Isa ang Regal matriarch na si Mother Lily Monteverde ang naniniwala sa kakayanan ni Boots kaya niya ito sinusuportahan. "Si Boots ay isang magandang halimbawa hindi lamang bilang isang artista kundi bilang asawa at ina," ani Mother Lily.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended





















