^

PSN Showbiz

Pinoy porno

-
Hindi itinatago nina Direk Francis "Jun" Posadas at scriptwriter na si Dennis Evangelista na malaki ang impluwensya sa kanila ng pinag-uusapang sex scandal sa Cebu at Dumaguete para mabuo ang pelikulang Sex-Scandal. Binago nila ang sitwasyon at kwento upang protektahan ang lugar at ang mga babaeng biktima ng nasabing iskandalo. Dahil sa nasabing insidente ay naisip nilang gumawa ng kwento tungkol sa pornograpiya. Sa pelikula ay tinalakay din nila ang illegal na gawain ng mga VCD sex trader.

Sinasabi na isa sa pinaka-bold na pelikula sa kasaysayan ng pelikulang Pilipino ang Sex Scandal. May mga nagsasabi na malapit na sa porno ang dating ng pelikula dahil sa sobrang hubaran. Ipinagtanggol ni Direktor Posadas ang pelikula niya na hindi ito porno films... "Kaya pumasa sa MTRCB ang grabeng love scenes sa pelikula namin dahil nasa "context" ito ng istorya lahat. Sa totoo lang, anti- pornography ang pelikula kaya maraming aral na mapupulot dito".

Tampok sa pelikula sina Allen Dizon, Anne Borromeo, Isabela Gomez, Danna Garcel, Gerald Lauron, JP Obligacion, Irma Adlawan at Clem Fernandez. Mula ito sa Sacramento Films at released thru Angora Films.

vuukle comment

ALLEN DIZON

ANGORA FILMS

ANNE BORROMEO

CLEM FERNANDEZ

DANNA GARCEL

DENNIS EVANGELISTA

DIREK FRANCIS

DIREKTOR POSADAS

GERALD LAURON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with