^

PSN Showbiz

Zoren, singit sa 'Mano Po 2'

-
Nadagdag sa cast ng Mano Po 2 si Zoren Legaspi. First shooting day niya nung Biyernes, October 3. Sa Chinatown sila nag-shoot, along Ongpin Street, Binondo, Manila. Ka-partner niya rito si Kris Aquino who’s portraying the role of the young Susan Roces, the first wife.

Samantala, patapos na ang seryeng Habang Kapiling Ka this month. Nag-last taping day na sila nung September 29, ayon kay direk Maryo J. delos Reyes who left for South Korea to attend the Pusan International Film Festival. Ipalalabas doon ang Magnifico movie niya sa non-competitive division.

While on-going pa ang seryeng Habang..., na-link si Zoren sa kapareha nitong si Aleck Bovick. Ilang ulit na niyang pinabulaanan ang tsismis. Siguro naman daw, sa pagwawakas ng soap opera, matitigil na rin ang intrigang more than friend sila ni Aleck.

Abala si Zoren sa Kakabakaba series kapareha ang karelasyon niyang si Carmina Villaroel. Maganda ang feedback sa bagong programang ito ng Siyete na pinamamahalaan ni Dingdong Dantes. Mataas ang rating at balitang naungusan na ang katapat na programang Buttercup ng Dos.

Marami ang nakapapansin sa sipag nina Zoren at Mina sa pagtatrabaho ngayon. Inaamin naman nilang they’re doing this on purpose para sa lumalaking kambal na anak. Kasalukuyan silang bumubuo ng pamilya at gusto nilang makapagpundar para sa kinabukasan ng mga ito. BEN DELA CRUZ

vuukle comment

ALECK BOVICK

CARMINA VILLAROEL

DINGDONG DANTES

HABANG KAPILING KA

KRIS AQUINO

MANO PO

MARYO J

ONGPIN STREET

PUSAN INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

ZOREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with