Tinanggal na ng PLDT ang phone services para kina Joyce at Patricia
- Veronica R. Samio () - October 4, 2003 - 12:00am
Hindi pa nagsimula ang media assault ng isang congressman laban sa PLDT dahilan sa pagbibigay nito ng phone services para sa mga sexy stars na sina Joyce Jimenez at Patricia Javier ay nauna nang ipatigil ng nasabing kumpanya ng telepono ang pagpapalimbag ng mga phone card na nagtataglay ng mga larawan ng dalawang artista. Tinapos ng PLDT ang serbisyo nina Joyce nung Mayo 30 at ni Patricia nung Abril 21, pareho ng taong ito kaya wala nang dahilan para magkaroon pa ng imbestigasyon sa kumpanya dahilan dito.

Sa halip, may mga bagong phone cards ang PLDT katulad ng kay Cardinal Sin na ang kikitain ay mapupunta sa Caritas Foundation, ang "Make A Wish" na nagtatampok kay Jolina Magdangal. Maglalabas din ito ng Ninoy Aquino phone card para sa Benigno Aquino, Jr. Foundation.
* * *
Inamin ni Maui Taylor na mas bold siya sa kanyang VCD kaysa sa pelikula niyang Bugbog Sarado na marami ang nagsasabing inspired sa kontrobersya nina Kris Aquino at Joey Marquez bagaman at sinasabi ng lahat ng nasa cast, na bago pa pumutok ang gulo sa dalawa ay nagawa na nila ang movie ni Joel Lamangan, tungkol sa live-in lovers (Maui & Jordan Herrera) na nagbubugbugan sa panahon ng kanilang intimate moments. May twist sa ending ng pelikula na gugulat sa mga manonood.

May mga frontal scene si Maui na naganap nang sirain ni Jordan ang kanyang damit at ni-rape siya nito.

Pagkatapos ng promo ng movie ay aalis si Maui para pumunta ng London. Dalawang linggo siyang mawawala. "Magbabakasyon lang ako sandali at
susunduin ko na rin ang ate ko," sabi ni Maui.

Kasama rin sa movie sina
Andrea del Rosario at Victor Neri.
* * *
Sa kabila ng kanyang kaliitan, nagsisimula nang ipamalas ni Aiza Marquez ang kanyang maraming talento. Una na ang kanyang kakayahan sa pag-arte na unti-unti nang lumalabas sa pagganap niya bilang Ella sa Darating Ang Umaga. Anak siya ni Vina Morales at kapareha ni Danilo Barrios na sinasabi ng marami na umaabot hanggang sa likod ng kamera ang kanilang romansa. Una rito napansin siya nang gampanan niya sa pelikulang Noon at Ngayon ang role ng anak ni Jean Garcia. Sa kanilang eksena na magkasama, hindi siya napag-iwanan ng magaling na aktres. Nagawa niyang sumabay sa mga "kaeklatan" ni Jean, earning her the praise of both the movie’s director and the moviegoers.

AIZA MARQUEZ BENIGNO AQUINO BUGBOG SARADO CARDINAL SIN CARITAS FOUNDATION DANILO BARRIOS DARATING ANG UMAGA JEAN GARCIA MAUI
  • Latest
  • Trending
Latest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

SIGN IN
or sign in with