^

PSN Showbiz

Pangarap maging pulitiko ni Toni

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
First time ni Toni Gonzaga na lumabas sa pelikula kaya hindi ito makapaniwala nang alukin para siya makasama sa Pakners na tinatampukan ni Fernando Poe Jr. Proud nga ito dahil sa kalipunan ng mga baguhan ay siya pa ang kinuha kaya nakipag-usap sila sa mga taga-Eat Bulaga.

Hindi lang artista, commercial model at singer si Toni kundi isa ring barangay kagawad sa San Isidro, Taytay, Rizal. Nais nitong magtuluy-tuloy ang pagpasok sa pulitika dahil nasa dugo nila ang pulitiko. Minana niya ito sa kanyang mga ninuno na politiko sa Taytay.

Second year college si Toni sa Dominican College at kumukuha ng MassCom.
Pinagmultuhan Si Aubrey Sa Set!
Kinikilabutan si Aubrey Miles habang ikinukwento sa amin ang hindi malilimutang karanasan noong nagsyuting siya ng pelikulang Sanib.

"First time kong makaranas ng ganito, nakita kong may isang bata na naglalakad sa makapal na usok sa loob mismo ng kwartong pinagpapahingahan ko. Ang akala ko ay si Isabela de Leon yun. Pero sabi nila ay wala ito sa set nung oras na yun. Baka naman namalikmata lang ako pero talagang may nakita akong batang lalaki sa last day ng syuting namin," aniya.

Puring-puri ni Aubrey si Carlo Muñoz na kapareha niya sa Sanib. Napaka-gentleman daw nito at propesyonal kaya maganda ang kanilang rapport habang nagsusyuting. "Feeling prinsesa rin ako sa kanya dahil very thoughtful at asikaso niya ako," sey nito.

Umaasa ang seksing aktres na sana’y magkasama uli silang dalawa sa pelikula.
Aiza, Di Pa Nasaktan Ng Ina
Balak pala ng GMA 7 na isadula ang tunay na buhay ni Aiza Seguerra sa Magpakailanman ni Mel Tiangco pero mas type ng singer-actress na ipokus ang atensyon sa pagiging artista niya mula noong bata hanggang naging sikat na singer siya. Walang dramatic highlights tungkol sa pagiging anak niya at never siyang nasaktan ng kanyang ina. Kapag may problema ito ay ang sarili niya ang kanyang sinasaktan.

Okey naman kay Aiza na isadula ang buhay niya dahil wala siyang itinago sa publiko. Nakatanggap muli ng Gold Record Award para sa kanyang live concert album na A First! Live In Concert sa Music Museum.
Blind Item: Walang Pamasahe
Tuluyan na ngang nag-break ang sikat na aktor at ang kanyang nobyang newscaster. Lagi naman kasing ganito ang drama ng lalaki.

Nasa Amerika ang nobyang celebrity ng aktor. Tuluyang lumabo ang kanilang relasyon dahil akala ng newscaster na wala siyang halaga sa aktor dahil hindi ito nakasunod sa kanya sa US para makapag-usap sila at mai-save pa ang kanilang relasyon. Wala kasing pera ang aktor na pambili ng plane ticket.

vuukle comment

A FIRST

AIZA

AIZA SEGUERRA

AUBREY MILES

BLIND ITEM

CARLO MU

DI PA NASAKTAN NG INA

DOMINICAN COLLEGE

EAT BULAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with