^

PSN Showbiz

Maye tinakbuhan ng bf na naka-devirginized sa kanya

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Kung noon ay tahimik at mahiyain si Maye Tongco na bida ng Kikay lalo na kapag tinatanong kung "virgin" pa ay hindi na ngayon dahil nade-virginized na siya ng kanyang boyfriend na taga-Cebu.

Kaya lang ang masaklap, bigla itong naglahong parang bula.

Kaya naman ibang-iba na kung siya’y sumasabak sa maiinit na eksena.

Palaban talaga! Katunayan inamin nitong na-turn on sa kanilang lovescenes ang kaparehang si Francis Enriquez.

Very vocal din si Maye at malaki ang naitulong nang ma-donselya siya ng bf dahil game nang sumagot lalo na kapag ang paksa ay tungkol sa sex.
Jinggoy, Gustong Mag-Comedy
Visible na naman ngayon sa mga TV apperances si dating San Juan Mayor Jinggoy Estrada. Naging guest ito sa Daboy En Dagirl ni Rudy Fernandez kasama si Phillip Salvador minsan. Madalas na namang magkakasama ngayon ang tatlong magkakaibigan.

Aktibo muli si Jinggoy sa showbiz at gustong magbalik-pelikula. Type nitong gumawa ng comedy film at isang sitcom sakaling may mag-offer sa kanya gaya ng kay Bong Revilla at Rudy.
Aubrey, Binigyan Ng Condo Ng DOM?
Natatawa na lang si Aubrey Miles kapag iniintriga ng kanyang mga detractors. Isa na rito ang sinasabing may anak na siya. Ganun din ang intriga na mayroon siyang DOM na nagbigay sa kanya ng mamahaling sasakyan at pati na ang tinitirhang condo ngayon.

Ayon sa aktres, wala naman sa itsura niya ang may anak na. Kung kinakailangan pa-test sa isang OB Gyne gaya ng ginawa ni Katya Santos ay okey lang sa kanya basta’t tantanan na lang siya ng paninira ng kanyang mga detractors. Nakarating din sa kaalaman nito ang balitang nanggaling daw sa kampo ni Maui Taylor ang balitang may anak na siya. Hinamon niya ang sinuman na maglabas ng ebidensya na nagpapatunay na may anak na nga siya.
Paolo B., Nanlamig At Ninerbyos Kay Sharon
Inamin ni Paolo Bediones na matagal na niyang pangarap na dumating ang araw na makasama niya si Sharon Cuneta sa pelikula. Natupad ito sa Walang Kapalit. "Masarap katrabaho ang megastar at marami kaming funny moments. May kissing scene pa kami ni Sha dito. Nanlamig nga ako at talagang ninerbyos habang kinukunan ang eksena. Very supportive naman ito gayundin si Goma at Direk," aniya.

Itinanong din namin kay Paolo kung hindi ba niya nililigawan si Mariam Quiambao na kasama rin nito sa said movie. "Kahit mag-attempt ako na ligawan siya ay di ko magawa. Hindi kami talo dahil sa malaking respeto na inuukol ko sa kanya bilang malapit na kaibigan at katrabaho sa Extra Extra."

Sa kabilang banda, hindi naman ipinagkakaila ng guwapong TV host na malapit sila sa isa’t isa ni Maxine na nasa Canada ngayon. Pero wala namang serious commitment ang dalawa at inamin na kung dumating ang araw na sila ang itinalaga sa isa’t isa ay magiging happy siya.

vuukle comment

AUBREY MILES

BINIGYAN NG CONDO NG

BONG REVILLA

DABOY EN DAGIRL

EXTRA EXTRA

FRANCIS ENRIQUEZ

GUSTONG MAG-COMEDY

JINGGOY

SIYA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with