^

PSN Showbiz

Nakakasakit na si Joey

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Hindi niya hiningi ang kontrobersiya, nagpakatotoo lang siya. Bilang host ng Morning Girls ay nagbigay lang siya ng sinsero niyang opinion, pero nalagay siya sa alanganin.

Nu’ng maging panauhin kami sa show nina Korina Sanchez at Kris Aquino ay tinanong kami ni Kris tungkol sa pisikal na panlalait sa amin ni Joey de Leon sa ere.

Tanong ni Kris ay sinabihan daw kami ng pangit ni Joey, pero hindi pa kami nakapagsisimulang sumagot ay may komentong binitawan si Korina, "Bakit, hindi naman siya guwapo, a?" na patungkol kay Joey.

Bago natapos ang programa ay nilinaw ng newscaster na wala siyang personal na intensyong pintasan si Joey basta sa kanyang panlasa at opinion ay hindi guwapo si Joey.

Tama lang si Korina sa kanyang sinabi, kahit ang magandang tao’y walang karapatang mamintas, dahil sa kabila ng kanilang itsura at kagandahan ay meron pa rin silang kapintasan.
* * *
Sa una ay nakakatawa pa ang mga ginagawa ni Joey.

Pero sa katagalan ay hindi na nakakatuwa ang mga panlalait ni Joey, marami na siyang sinasagasaan, hindi na niya nirerespeto ang emosyon ng kanyang kapwa.

Hindi kasi siya propesyonal kung umatake, masyado siyang personal, kaya isang araw ay babalik lahat kay Joey ang mga kapintasang ipinupukol niya sa kanyang kapwa.

Sabi ng isang text na natanggap namin, "Napakalakas ng loob mamintas ng Joey na ’yan, manalamin nga siya? Tingnan niyang mabuti sa salamin ang itsura niya, kung wala siyang kapintasan?"

Inuulit namin, ang katotohanan ay hindi dapat nakapananakit ng emosyon, kailangang tinatanggap ’yun.

Sabi naman ng isa pang mensahe, "Ano naman ang masama sa sinabi ni Ms. Korina? Ano’ng dapat ikagalit ni Joey sa kanya, bakit kailangan siyang birahin, eh kung sa totoo naman sa pananaw ni Korina, eh, hindi guwapo si Joey?"

vuukle comment

ANO

JOEY

KORINA

KORINA SANCHEZ

KRIS AQUINO

MORNING GIRLS

MS. KORINA

SABI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with