Mga babae ng pantalan
March 3, 2003 | 12:00am
Sino nga ba ang mga babae sa pier? Ipapakilala kayo ng The Correspondents sa kakaibang subculture na ito ngayong Lunes, Marso 3, pagkatapos ng ABS-CBN Headlines.
Dalawang klase raw ng babae ang makikitang tambay sa pier ang asawa ng mga seaman at ang mga akyat- barko.
"Akyat-barko" ay palayaw sa mga babaeng nag-aalok ng panandaliang ligaya sa mga seaman na nangungulila sa kanilang mga asawa. Sa mga pier ng Maynila, sakay ng mga bangka, sinusuong nila ang mga mapanganib na dagat para maakyat ang mga barkong naglululan ng mga lalaking dala ay pag-asa at pera.
Sa kabilang banda naman, ang mga asawang iniiwan ang kanilang mga asawa. Ang sabi-sabi raw ay kung gusto mo ng maginhawang buhay, mag-asawa ka raw ng seaman. Pero paano nilalabanan ng mga ginang na ito ang lungkot at tukso ng pag-iisa? Tanggap ba nila ang mga akyat-barko sa buhay ng kanilang mga mister?
Tunghayan ang lahat ng ito sa The Correspondents ngayong Lunes, March 3, pagkatapos ng ABS-CBN Headlines.

BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Recommended