^

PSN Showbiz

Mga kasama sa soap ng Siyete, galing sa Dos

RATED A - Aster Amoyo -
Tiyak na magiging aktibong muli sa paggawa ng mga sexy movies si Ara Mina na nagbabalik sa pagpapaseksi sa Two Timer na dinirek ni Mel Chionglo.

Napanood namin ang kabuuan ng pelikula sa press preview na ginanap sa Road Runner nung nakaraang Miyerkules ng gabi at masasabi naming malaki na ang ini-improve ni Ara pagdating sa acting. May star value na rin si Wendell Ramos at malakas ang rehistro nito sa screen.

Ipinakita sa pelikula ang pagiging marupok ni Ara sa kabila ng kanyang pagiging may asawa na.

Ipinakita rin sa pelikula na sa kabila ng pagiging maamong mukha ni Ara at pagiging magandang tayo ng kanyang buhay ay may itinatago pala itong kati sa katawan. Ang maganda lang, nagkaroon ito ng redeeming value dahil pareho sila ni Albert Martinez na humingi ng kapatawaran sa isa’t isa at si Wendell naman ay pinagbayaran ang kanyang pagiging mapusok kay Ara sa kabila ng kanyang pagkakaroon ng kasintahan sa katauhan ni Krista Ranillo na isang drug dependent.
* * *
Pare-parehong may pinagmulang teleserye sa ABS-CBN sina Alma Moreno, Snooky Serna, Victor Neri at Zoren Legaspi.

Sina Alma at Victor ay naging kabilang sa tumatakbo pa ngayong serye, ang Sa Dulo ng Walang Hanggan, si Snooky sa Kay Tagal Kang Hinintay at si Zoren naman sa Recuerdo de Amor pero ngayon, silang apat ay pinagsama-sama sa pinakabagong teleserye ng GMA-7, ang Habang Kapiling Ka na magsisimula ngayon sa ganap na ika-6:30 ng gabi at kapalit ng Ikaw Lang ang Mamahalin.

Sa kauna-unahang pagkakataon ay magkasama sa isang teleserye ang mga dating magka-relasyon na Snooky at Albert Martinez at maging sina Ruffa Gutierrez at Zoren Legaspi.
* * *
Pagkatapos namin sa preview ng pelikulang Two Timer sa Road Runner ay tumuloy na kami nina Nora Calderon at Jojo Gabinete sa Eastwood City para dumalo sa golden birthday ng aming kaibigang si Annabelle Rama na ginanap sa Country Waffles na pag-aari ng mag-asawang Bert at Carol Nievera.

Aligagang-aligaga ang birthday celebrant sa pag-iistima ng kanyang mga bisita sa tulong ng kanyang esposo na si Eddie Gutierrez gayundin ang kanilang unica hija na si Ruffa Gutierrez na napakaganda nung gabing ‘yun. Siyempre pa, kumpleto ang mga anak nina Eddie at Annabelle. Bukod kay Ruffa, naroon din sina Rocky, Raymond, Elvis at Richie Paul. Dumating din ang half-brothers ni Ruffa na sina Tonton at Ramon Christopher Gutierrez. Maagang dumating si Korina Sanchez at maaga rin itong umalis. Pero inabutan pa namin doon sina Rudy Fernandez, Gretchen Barretto, Susan Roces, Nadia Montenegro, Karla Estrada with Jojo Manlongat, Snooky Serna, Mother Ricky Reyes, Jean Saburit, ang mag-asawang Bert at Carol Nievera, Atty. & Mrs. Bonifacio Alentajan, ang ilang top execs ng GMA-7 na sina Wilma Galvante at Marivin Arayata at iba pa. Maging si Mahal ay naki-party din.

It was actually an intimate party na dinaluhan ng mga malalapit na kaibigan ng mag-asawang Annabelle at Eddie. Ipinamalas din doon ni Eddie ang kanyang pagiging Elvis Presley fan nang awitin niya ang ilang Elvis Presley hit songs na sinabayan naman ng mga bisita.
* * *
Gusto ko nga palang pasalamatan ang mga sumusunod na nagpaunlak ng special song numbers sa 1st anniversary celebration ng S Magazine na ginanap sa Virgin Café nung nakaraang Lunes (Oct. 28) ng gabi tulad nina Jamie Rivera, Marissa Sanchez, Tootsie Guevarra, Freshmen, Lara Morena, Von Arroyo, Kyla, Salbakuta, Daisy Reyes, Cody Moreno, Dax Martin, Shyr Valdez at ang Real Groove na siya namang nag-provide ng party music. Ganundin kay Maribeth Bichara & the VIP Dancers na nagpamalas ng isang special dance number at ang fashion show ng Gener Gozum at fashion lines. Salamat din kay Zoren Legaspi at Luke Mijares (ng South Border) at sa lahat ng mga advertisers, celebrities at iba pang bisita na siyang nagpatingkad sa aming selebrasyon. Sa inyong lahat, maraming-maraming salamat po.
* * *
Email: <[email protected]>

vuukle comment

ALBERT MARTINEZ

CAROL NIEVERA

CENTER

EDDIE

ELVIS PRESLEY

ROAD RUNNER

RUFFA GUTIERREZ

ZOREN LEGASPI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with