^

PSN Showbiz

Kambal ulit ang susunod na anak nina Zoren at Carmina

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Sa ngayon ay enjoy sina Carmina Villaroel at Zoren Legaspi sa kanilang kambal na anak. Kahit medyo mahirap at umaakupa ng kanilang panahon, okey lang.

"Saka gusto ko talaga, concentrated sa aming anak ang time ko," paniniyak ni Zoren. "Ang sarap kasi ng feeling ng isang ama."

Ang tiniyak pa ni Zoren ay kambal ulit ang susunod nilang anak. "Malakas ang feeling ko na two pairs of twins ang magkasunod na ibibigay sa amin."

Pero wala pa silang planong mag-anak uli. Bukod sa pareho silang abala ni Carmina, gusto muna nilang nakasentro ang kanilang attention sa kanilang panganay na kambal.

Sa pagkasabi ni Zoren ay tila alam na alam niya ang "formula" o technique ng paggawa ng kambal. Natawa siya nang malakas ng maraming sabay-sabay na nagtanong kung paano nga niya ginawa ito. Meron bang sikreto?

"Naku wala naman siguro sa kung ano mang style ‘yon," tuloy ang tawa niya. "It must be in the genes. Lahi-lahi kasi ‘yan kung talagang may mga kambal sa pamilya."

Sa paglipat ni Zoren sa GMA from Channel 2, maganda ang role na inalok sa kanya sa Habang Kapiling Ka.

"Pumirma ako ng contract with GMA para lang dito sa Habang Kapiling Ka," sabi ni Zoren. "Nasa kontrata na at least one year ang itatagal ng papel ko sa show. Ibig sabihin hindi ako basta mawawala o papatayin na lang ng biglaan."

Pati ang character na ginagampanan niya sa bagong teleserye ay gustung-gusto ni Zoren. Bilang si Jonas ay siya ang lider ng mga magsasaka sa isang malaking asyenda.
* * *
Sa panig naman ni Ruffa Gutierrez, walang problema ang muli nilang pagsasama sa trabaho ni Zoren.

"Kasi naman kahit nag-break kami ni Zoren noon, hanggang ngayon good friends pa rin kami," say ni Ruffa. "Saka hindi pa ako sure kung magkakatapat kami rito, dahil sa istorya rich ako, siya isang magsasaka."

Dahil sa Habang Kapiling Ka, mananatili ng mula anim na buwan hanggang isang taon sa bansa si Ruffa.

Napapayag si Ruffa na mamalagi ng isang taon sa bansa dahil tiniyak sa kanya ng GMA na bibigyan din siya ng ibang assignment, tulad ng pagho-host ng isang show.

Siyempre naman naiwan niya sa Tate ang kanyang boyfriend na si Ylmaz Bektas. Sinabi ni Ruffa na magpapakasal na sila next year, or the latest sa 2004.

Paano na ang kanyang mader na si Annabelle?

"Ang mommy ko naman ayaw talaga akong mag-asawa kahit na siguro 45 years old na ako," reklamo ni Ruffa. "Saka pinagdadasal pa niyang magkagalit at magkahiwalay kami ng boyfriend ko."

For the first time, magkakasama ang magkapatid na Ruffa at Richard Gutierrez sa Habang Kapiling Ka. Sa kuwento ni Ruffa noong wala pa sa showbiz ang kanyang brother, P100 lang ang binibigay niyang allowance.

"Kaya’t sabi ko sa kanya, magtrabaho siya dahil 18 years old na naman siya, para magkaroon siya ng sariling pera."

vuukle comment

CARMINA VILLAROEL

HABANG KAPILING KA

RICHARD GUTIERREZ

RUFFA

RUFFA GUTIERREZ

SAKA

SIYA

YLMAZ BEKTAS

ZOREN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with