^

PSN Showbiz

Ibang-iba na si Assunta

FRONT SEAT - Cristy Fermin -
Ilang araw bago tuluyang isinampa ni Assunta de Rossi ang iba’t ibang kaso laban sa manager nitong si Direk Manny Valera ay nakausap pa namin ang dating manunulat na namamahala na ngayon sa career ng maraming kilalang artista.

Malungkot si Manny hindi dahil sa mga ibinibintang-inaakusa sa kanya ni Assunta, partikular na sa pinirmahang kontrata sa kanya ng ina nitong si Gng. Nenita Schiavone, kundi dahil sa mga biglaang pangyayari.

Madulas pa rin ang bibig ng manager sa pagsasabing hindi ito ang Assunta na anim na taon niyang tinutukan at inalagaan, ibang Assunta na ang nakikita at naririnig niyang nagsasalita ngayon.

Ibang-iba na si Assunta, sabi ni Direk Manny, hindi na ito ang dati niyang alaga na nakakausap niya nang bukas ang isip, na marunong mamili ng kung ano ang tama at mali, dahil ikinagigimbal ng manager ang nilalaman ng sinumpaang salaysay nito.

Lumalabas kasi na ayon kay Assunta ay wala itong nalalaman sa nilalaman ng kanyang kontrata kay Manny, na ang nagkakaalaman lang sa mga naganap ay si Manny at ang ina nito, pati na sa ginawa nitong paghuhubad sa pelikula.

Ayon kay Direk Manny ay napaka-imposible namang ipagduldulan nila ni Mommy Nette sa isang maselang bagay si Assunta nang wala itong permiso, dahil bago gawin ni Assunta ang isang proyekto ay inuupuan muna nilang mabuti ‘yun para madetalye kung tatanggapin ba nila o hindi.

Tulad na lang nang ialok sa kanila ng Viva Films ang pelikulang Balahibong-Pusa nang matanggap ni Manny ang iskrip nito ay ipinabasa niya agad ‘yun kay Assunta.

Binasa naman ‘yun ng dalaga, pero maya-maya lang ay ibinalik din nito agad ang iskrip sa kanyang manager.

Ang sinabi ni Assunta, "Ayokong gawin ‘yan, parang support lang ang role ko! Kung magpapakita rin lang ako ng katawan, du’n na sa pelikulang ako lang ang bida!"

Isa pang iskrip ang tinanggap ng dalawa, ipinabasa uli ni Direk Manny ang iskrip kay Assunta, hindi na naman nagustuhan ng aktres dahil dalawa raw pala silang bida.

Nu’ng ialok sa kanila ng Regal Films ang Red Diaries ay ipinabasa uli ni Direk Manny ang iskrip kay Assunta, at ‘yun ang pinili ng sexy star dahil sa kanya lang ang sentro ng istorya ng pelikula.

‘Yun nga ba naman ang pinilit lang na maghubad, samantalang ang sexy star pa mismo ang tumatanggap at tumatanggi sa mga alok na dumarating sa kanila ni Direk Manny?
* * *
Walang nag-akalang sa ganitong kaganapan hahantong ang anim na taong pagsasama nila bilang manager at talent.

Kahit si Direk Manny ay napapailing na lang kapag naiisip niya ang mga senaryo ngayon, parang panaginip lang ang lahat, dahil ‘yung dating Assunta pa rin ang naglalaro sa kanyang isip hanggang ngayon.

Kahit ang mga reporter namang nakakainterbyu ngayon kay Assunta ay nakakapansin na kung anu-anong salita na ang binibitiwan ng sexy star, malalalim ng Ingles at termino ang lumalabas ngayon sa kanyang bibig, malayong-malayong sa Assuntang nakilala noon ng mga manunulat.

Nasa korte na ang kanilang labanan ngayon, wala na sa basta salitaan lang, ang isang bagay na maaari naman nilang resolbahan nang paupo ay pinagtatalunan pa nila ngayon nang patayo.

Parang balewala lang para sa iba ang litanyang ‘yun ni Assunta, pero hindi sa mga dating nakakakilala sa kanya.

Noon kasi ay si Assunta pa mismo ang nagsasabing kailangan nitong kumayod nang husto para mabuhay.

vuukle comment

ASSUNTA

DAHIL

DIREK

DIREK MANNY

KAHIT

LANG

MANNY

NGAYON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with