^

PSN Showbiz

Sexy actress, kinamumuhian ng kanyang driver

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Akala namin ay supersweet at mabait ang sikat na sexy actress na ito. Yun pala ay nasa panlabas lang itong kaanyuhan dahil sa totoo lang, sa tunay na buhay ay masungit pala ito at moody. Katunayan ay walang makatagal sa kanyang driver at mga ilang buwan lang, gusto nang lumipat sa ibang amo.

Dapat mag-isip ang magandang aktres na ito kung gusto niyang magtagal ang driver sa kanya dahil ayon sa isang driver na gusto nang umalis sa kanyang poder ay mahirap pakibagayan ang taong laging mainit ang ulo.

Ang sikat na aktres ay in-demand sa pelikula at telebisyon at regular mainstay ng isang sitcom.
Kris, Handang I-Give Up Ang Career
Hanga ako kay Kris Aquino dahil handa siyang i-give up ang career para sa kanyang magiging asawa.

Mana nga si Kris sa kanyang yumaong ama na may sariling desisyon at pinaninindigan kung anuman ang gustong gawin nito sa buhay.
Offie, Tatanggap Ng Award
Pararangalan ang dating aktres at ngayon ay may-ari ng Admiral Maritime Training Institute na si Offie Angeles. Tatanggapin niya mula sa Gawad ng Bayan Award sa Agosto 20 ang "Outstanding Gaseño" (Gasan, Marinduque) dahil sa kanyang mga naitulong sa mga kababayan niya. Kabilang na rito ang mga naipagkaloob niyang donasyon sa iba’t ibang iskwelahan, simbahan at pagbibigay ng trabaho sa mga taga-Gasan kung saan mahigit sa tatlumpu ang nabiyayaan. Hanggang ngayon ay aktibo pa rin ang magandang aktres-prodyuser sa kawanggawa. Katwiran niya ay masaya siya kapag naibabahagi ang mga biyayang natatanggap niya sa buhay.

Kahit iniintriga ang kanyang training institute ay patuloy pa rin itong namamayagpag at hindi siya nagpapaapekto sa mga taong naninira dahil lang sa inggit.
Pops, Di Apektado Sa Isyung ‘Bagets Killer’
Hindi apektado si Pops Fernandez sa isyung ‘bagets killer’ siya.

Bagkus ay natutuwa pa nga siya dahil para sa kanya ay nakakataba ito ng puso. Pero crush ng aktres si Marc Nelson na dating boyfriend ni Patricia Javier kahit na nga may attracted sa kanyang mga bagets.

Samantala, balak silang pagsamahin ni Bong Revilla sa isang pelikula mula sa Viva Films sa direksyon ni Yam Laranas.

Malayo pa sa isip niya na magkaroon muli ng commitment sa pag-ibig dahil naniniwala siyang kusang darating ang tamang lalaki sa kanyang buhay.
Aiza, May Concert
Abala si Aiza Seguerra sa paghahanda ng kanyang concert sa darating na Agosto 30 sa Hotel Rembrandt kasama niya si Norman Mitchell. Guest singer si Melvyn Dizon na gumagawa na rin ng pangalan ngayon. Pinamagatang Acoustic Night na ang beneficiary ay ang feeding program ng Soroptimist International (Dasma-Salcedo Club) kung saan ang inyong lingkod ang kasalukuyang pangulo.

vuukle comment

ACOUSTIC NIGHT

ADMIRAL MARITIME TRAINING INSTITUTE

AGOSTO

AIZA SEGUERRA

BAGETS KILLER

CENTER

KANYANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with