^

PSN Showbiz

Matapang talaga ang Caviteño

KWENTONG SHOWBIZ - Ernie Pecho -
Sa unang linggo pa lamang ng airing ng Ang Iibigin Ay Ikaw ng GMA, mataas agad ang rating ng nasabing cinenovela. Sa unofficial report na natanggap namin, umabot na ng 27% ang viewership nito, middle of last week. Maaring bago nag-Biyernes ay naging malapit na ito sa trenta porsiyento!

Talagang kapag maganda ang palabas–kasama na dito ang istorya, piling-piling mga mahuhusay na artista, magaling na direktor at scriptwriter, tutok sa panunuod ang sambayanang Pinoy. Ganito naman talaga ang hinihintay nila–isang panooring sulit na ang oras mo lubos pa ang kasiyahang dulot.

Grabe ang positive feedback sa mga taong nakausap namin na ngayon ay suki na ng Ang Iibigin Ay Ikaw.

Mula kay Mike Villena ng East Riverside, Frisco, Quezon City: "Dati pagkagaling sa trabaho, hanap agad ako ng magandang pelikula sa cable TV. Ngayon pihit agad sa Channel 7 para sa Ang Iibigin Ay Ikaw. Lahat kami sa bahay, pati ang kapatid kong supladang si Leilani, ito na palagi ang pinanunuod."

Ang sabi naman ni Vinia Jocson ng Molina Extension, Cavite City: "Maganda na ang istorya, mahuhusay pa ang mga artista. Ito ang palabas na talagang susubaybayan ko."

Comment ni Weng Villalobos ng Bagong Barrio, Kalookan, "Ibang-iba Ang Iibigin Ko’y Ikaw. Walang puwedeng ikumparang palabas dito. Magaling palang umarte itong si Alice Dixson at puwede siyang makipagsabayan sa multi-awarded na si Christopher de Leon."

Isa nang Ang Iibigin Ay Ikaw fanatic si Mane Bardellon, beautician na taga San Bartolome, Novaliches. "Di na ko tumatanggap ng customer sa parlor kapag alas-7 ng gabi. Break muna dahil kailangan naka-focus ang panunuod ko ng cinenovela. Para emote na emote din ako tulad ng mga bida."

Si Bimbo Valmores naman ng Marilao-Bulacan, isang Ang Iibigin Ay Ikaw convert. "Dati kasi misis ko at mga anak ko lang nakatutok sa TV. Nang subukan ko minsan manuod, pati ako naging ‘hostage’ na rin ng palabas, dahil talagang hindi ako tatayo hanggang hindi tapos ang bawat episode."

Sabi naman ni Emila Yabut ng Obando, Bulacan, sa buong barangay nila, ang cinenovela ang pinanunuod. "Pati ang mister kong si Berting na mahilig sa ESPN at Star Sport, nawiling manuod ng drama dahil tunay na matindi ang dating."

Si Mrs. Vicky delos Reyes naman ng San Miguel, Manila, "Ayaw kong maglaro ng majhong pag oras ng Ang Iibigin Ay Ikaw. "Win or lose, talagang tatayo na ako sa laro before 7 p.m. Ayokong ma-miss kahit isang episode ng palabas, dahil wala namang replay ito."

Humigit-kumulang ay ganito ang karaniwang mga reaksyon na nakuha namin sa bawat makausap naming mga suki na ngayon ng GMA cinenovela.

Ibang klase na rin talaga ang mga televiewers. May taste na sila. Basta’t maganda patok agad sa kanila.
* * *
Believe naman kami sa bagong VRB Chairman na si Bong Revilla. Matapang talaga ang Caviteño! Kahit pugad ng mga palabang pirata, nasusugod niya.

‘Ka nga ni Bong ito ang klase ng trabahong "Damn if you do, damn if you don’t."

Kakaupo pa lamang niya sa bagong posisyon ay magaganda na ang naging resulta. Maaring bago matapos ang 2002 ay lalong iigting ang pagsugpo sa film at music piracy sa bansa at susugurin na pati ang mga key cities sa buong bansa.

ALICE DIXSON

ANG IIBIGIN AY IKAW

ANG IIBIGIN KO

BAGONG BARRIO

BIMBO VALMORES

BONG REVILLA

CAVITE CITY

DATI

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with