Jolina, di nagi-ecstacy
May 15, 2002 | 12:00am
Nakahinga nang maluwag ang pamilya ni Jolina Magdangal nang i-report ng isang correspondent sa DZXL na kumpirmadong hindi kasali ang actress-singer sa talaan ng mga artistang nagi-ecstasy.
Ayon pa rin dito, nakausap na nila si Gen. Wycoco ng NBI at sinabing wala naman silang listahan at walang kinalaman si Jolina sa negatibong isyu.
Sa kabilang banda, nakausap din namin si Daddy Jun Magdangal at sinabing mayroon lang gustong manira sa kanilang anak at ibagsak ito sa pagiging role model ng mga kabataan. Nagsimula ito sa isang blind item na nag-aakalang si Jolina ang binabanggit pero misleading ang description.
"Tuluy tuloy ang paninirang ginagawa sa aking anak. Kung totoo ngang may listahan at naroon si Jolina ay bakit hindi nila ito ilabas at panindigan nila," anang ama ng aktres.
Magsisimula ang taping pagdating ni Boyet ng Amerika sa direksyon ni Joyce Bernal. Tentative title nito ay Ang Iibigin Koy Ikaw.
Lalong gumanda ngayon si Lani dahil nagpaigsi ito ng buhok. Pagpapatunay lang na hindi siya insecure sa mga nali-link sa kanyang asawa.
Hindi naman ito dahilan kay Antoinette Taus dahil nagkausap na sila at nagdesisyon na manatili na lang silang mabuting magkaibigan. Aware na si Toni na lumalabas din sila paminsan-minsan ni Juday at balita nga na maganda ang relasyon ng aktor at si Mommy Carol. Balita nga na boto ito kay Dingdong para sa kanyang anak. Kahit tapos na ang kanilang pelikula ay nangako ang aktor na patuloy pa rin ang pagdalaw nito kay Juday. Aware din ito sa loveteam nila ni Piolo Pascual at wala naman siyang nakikitang masama kung ipagpapatuloy ang maganda nilang pagtitinginan ni Juday.
Naging panauhing mang-aawit ang bagong alaga ng Artist and Friends Entertainment na si Melvyn Dizon na tubong Angeles, Pampanga at ngayon ay gustong mag-concentrate sa kanyang singing career. Napakinggan namin itong umawit sa kasalan at napakagaling niyang kumanta kung saan hawig ang kanyang boses kay Martin Nievera.
Sa Mayo 17 ay magiging front act ito sa concert na Beauty and the Beast na tatampukan ni Rico Puno at kasama sina Jo Canonizado at Barbara Milano. Itoy prodyus ng aming editor na si Vero Samio. Sa tulong ng aming kumare na si Ophie Angeles ay naniniwala kaming raratsada ang career nito dahil naniniwala siya sa potensyal nito bilang magaling na singer.
Tapos si Melvyn ng BSE major in Mathematics sa Angeles University Foundation pero naakit din ng showbiz.
Dahil nagkakaedad na ay naglay-low ito sa showbiz lalo na nang magkaroon ng sariling pamilya. Kailangan niyang kumayod para sa kanila dahil madalang pa sa patak ng ulan kung magkaroon siya ng show.
Kaysa magutom ang pamilya ay balik-kutsero na naman ang singer na sikat na sikat noon.
BrandSpace Articles
<
>
- Latest
Latest
Latest
Recommended






















