^

PSN Showbiz

May bagong pag-ibig si Vic Sotto?

-
Usap-usapan ngayon ang palagiang pagbanggit sa pangalan ni Halina Perez sa programang Eat Bulaga ng mga host na sina Allan K, Anjo Yllana at Joey de Leon. Iniuugnay nila ang pangalang Halina kay Vic Sotto sa pamamagitan ng biruan at minsan ay tinutukso siya kay Vic.

Lalo pang nagtaasan ang kilay ng mga usisero’t usisera nang mapansin nilang palagian ang paglabas ni Halina sa Eat Bulaga. Mayroon ngang sitsit na mismong si Vic Sotto raw ang nagre-request upang i-guest si Halina sa naturang programa.

May sitsit pa nga na regular ang tawagan ng dalawa at lumalabas na rin sila for a date. At ang sabi pa, nagustuhan daw kasi ni Vic ang beauty ni Halina na ayon daw sa kanya ay kaakit-akit. Gustung-gusto raw ng komedyante ang mukha lalo na ang mga mata ng sexy star.

Bukod dito, type rin daw ni Vic ang alindog ni Halina lalo na ang kanyang mga kayamanan na walang niretoke sa katawan. Kung totoo man ang tsismis balak daw ligawan ni Vic ang dalaga.

Sa parte ni Halina, ayaw niyang magsalita sa naturang bagay, baka sabihin daw ay ginagamit niya si Vic dahil mayroon siyang iso-showing na pelikula sa darating na Pebrero 20 at ito ay ang Hinog Sa Pilit, Sobra Sa Tamis. Kabituin ni Halina sa pelikula sina Allen Dizon, Paolo Rivero at introducing ang kahali-halina ring si Monina Perez.

vuukle comment

ALLAN K

ALLEN DIZON

ANJO YLLANA

EAT BULAGA

HALINA

HALINA PEREZ

HINOG SA PILIT

MONINA PEREZ

PAOLO RIVERO

VIC SOTTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with