^

PSN Showbiz

Mabait na kaibigan si Bobby

RATED A - Aster Amoyo -
Kababalik lamang pala ni Rufa Mae Quinto from abroad kaya nang biglang halikan ni Bong Revilla ang katambal sa Mahal Kita, Final Answer ng Viva Films, nagulat ang press. Nasabik daw ba si Bong kay Rufa Mae dahil ilang araw silang hindi nagkita, o dahil napakaseksi lalo ni Rufa Mae sa napaka-seksing attire na binili raw niya from Mango? Nag-usap ba sila ng isusuot at halos pareho ang kulay ng mga damit nila?

Tuloy, wala halos itinanong sa dalawa during the presscon, kundi ang tungkol sa tunay nilang relasyon. Pareho namang nag-deny ang dalawa at siguro raw, malaki ang naitulong nang sila na ang magkatambal sa sitcom nilang Idol Ko Si Kap kaya very comfortable na sila sa isa’t isa nang magsimula silang mag-shooting under Ike Jarlego, Jr.

Super-deny pa rin ang dalawa na walang katotohanan ang tsismis sa kanila. Sabi pa ni Rufa Mae, noong una raw ay nahihiya siya at nag-aalala rin kay Lani Mercado, wife ni Bong, pero since nagpu-promote sila ng movie, iniisip na lamang niyang kasama iyon sa promo at sumakay na rin siya sa issue. Basta ang totoo raw, friends lamang sila talaga ni Bong. Sabi naman ni Bong, wala raw naman sigurong lalaking hindi maa-attract kay Rufa Mae, mabuti na raw lamang at may asawa na siya at mga anak.

Isang feel-good movie ang Mahal Kita, Final Answer at ita-try naman ni Bong ang isang pelikulang ni isang suntok ay wala siyang ginawa, kundi ang magpapogi lamang at si Rufa Mae naman ay magpa-sexy at sumali sa lahat ng mga contest, kabilang dito ang Who Wants To Be A Millionaire kaya very special guest si Christopher de Leon sa movie.
* * *
Happy si Bobby Andrews na halos wala rin siyang pahinga sa pelikula. Ang latest nga niya ay ang Mahal Kita, Final Answer na gumaganap siyang karibal ni Rufa Mae Quinto sa movie. Bakla ba siya? No, pero karibal niya si Rufa Mae dahil siya ang bale right hand ni Bong Revilla sa office at nakakasira nga raw ng diskarte niya ang pagdating doon ni Rufa Mae na mas pinakikinggan ni Bong kaysa sa kanya.

First time nakasama ni Bobby sa movie si Bong Revilla at minsan daw medyo natatakot siya rito dahil nakikita niyang seryoso ito sa shooting nila. Pero maganda ang naging working relationship nila, lalo si Rufa Mae na matagal-tagal na rin naman niyang nakakasama sa movie at television.

Thrice a week nang nagti-taping si Bobby sa soap nilang Sana Ay Ikaw Na Nga ng GMA-7 na sabi’y later on, sila na ni Angelu de Leon ang lilitaw na mga bida. Ang alam daw niya, parang magkakaroon ng dalawang story, story nina Dingdong Dantes at Tanya Garcia at story nila ni Angelu. Pero hindi pa rin daw nila masabi kung ano ba talaga ang tatakbuhin ng soap dahil every taping nila, maraming nangyayari sa episode na ginagawa nila.

Sa presscon nga pala, hindi napasagot ng mga press si Bobby sa lumabas na balitang siya ang witness sa civil wedding ng mga kaibigang sina Kim delos Santos at Dino Guevarra last January 9, 2002, sa municipal hall ng San Juan, Metro Manila at si Mayor JV Ejercito ang nagkasal sa kanila. Mas mabuti raw na sina Kim at Dino na lamang ang tanungin tungkol sa issue. Mabait na kaibigan si Bobby.
* * *
It’s nice to see Sunshine Dizon back sa Annakarenina. Nakabuti siguro ang almost one month niyang pagbabakasyon sa daddy niya sa States at nakapag-isip-isip din siya. Sayang kasi ang talent ng isang Sunshine Dizon, kung ngayon niya tatalikuran ang showbiz.

Kaya si Antoinette Taus na nga raw lamang ang kulang sa Sunday soap na ito, dahil ang magaling nang si Maritoni Fernandez ay bumalik na rin. But how true na si Kim delos Santos naman ang mawawala sa story? Ayaw naming i-preempt ang story sa kuwento ng isang friend na nasa taping na nagsabing mawawala na raw si Kim sa story.

vuukle comment

BONG

BONG REVILLA

FINAL ANSWER

MAE

MAHAL KITA

RAW

RUFA

RUFA MAE

RUFA MAE QUINTO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with