^

PSN Showbiz

Enjoy sa sex gadget kaysa sa boyfriend!

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
Ang aktres ang nagsasabi na talagang mainit siya sa romansa. Katunayan, kahit mayroon siyang non-showbiz boyfriend ay gusto pa rin niyang makatikim ng ibang lalaki. Pero sa kabila nito, mas enjoy siyang gumamit ng sex gadget kaysa sa kanyang nobyo.

Matagal na rin silang nagli-live-in ng kanyang bf. Wala na siyang damdamin dito pero hindi niya maiwan dahil naaawa siya. Malaki ang pagmamahal ng lalaki sa kanya at payag ito sa ginagawa niyang paggamit ng sex gadget.

Kontrobersyal ang aktres lalo na nang ma-involve ito sa yumaong kapatid ng isa ring sikat na aktres noon.
LJ, Susunod na kamumuhian
Aalis na sa Ikaw Lang Ang Mamahalin si Sunshine Dizon dahil di niya ma-take ang sobrang sama ng kanyang karakter. Wala namang magawa ang Syete kundi pagbigyan na rin ang kahilingan niyang mamaalam sa malaganap na soap opera.

Sino kaya ang papalit kay Sunshine? May ilang mga aktres na kinunsider sa role gaya ni Angelu de Leon o Rica Peralejo pero papayag ba sila na maging kontrabida ni Angelika dela Cruz? Nakuha finally ay si LJ Moreno. Dito masusubukan ang galing niya sa pag-arte.
Kristine, Iniintriga ang akting
Malayo na ang narating ni Kristine Hermoso at sikat na sikat ang kanilang tambalan ni Jericho Rosales sa Pangako Sa ‘Yo.

Bagamat nagtataglay siya ng isa sa may pinakamagandang mukha sa pelikula, nakatanggap naman siya ng negatibong komento tungkol sa kanyang pag-arte. Sinasabing hanggang ngayon ay kulang pa rin sa lalim ang kanyang pag-arte. Sa halip na magpapaapekto sa ganitong pagpuna si Kristine tinatanggap na lamang niya ito as constructive criticism. Naniniwala siya sa kasabihang " There’s always room for improvement."
Rica, balik sa pagiging Bold
Pagkatapos gawin ang Buhay Kamao at Banyo Queen ay balik na naman sa pagiging bold si Rica Peralejo. Mapapanood siya sa Dos Ekis sa direksyon ni Erik Matti. Isang stripteaser ang papel na gagampanan niya. Love interest niya si Mark Anthony Fernandez.
Ynez, Recording artist na!
Natupad na rin ang pangarap ni Ynez Veneracion na maging singer. Katunayan ay malapit nang ilabas ang kanyang album mula sa Dyna Music. Kung nabigo man ang recording company kina Priscilla Almeda at Ina Raymundo ay bumawi naman ito kay Ynez.

Magaling umawit ang seksing aktres kaya hindi siya nababakante sa mga shows sa Kamaynilaan at lalawigan. Ngayon pa lang ay excited na si Ynez sa pagiging recording artist kung saan ibinagay ang mga awitin sa kanyang imahe.
Liza, tuluyan nang nagbago
Nakita namin si Liza Lorena sa Star-Talk noong Sabado at maganda pa rin siya. Inamin ng aktres na talagang gumamit siya ng ipinagbabawal na gamot noon dahil sa masamang impluwensya ng mga kaibigan. Kaya ang laging pangaral niya sa mga kabataan ay iwasan ang mga kaibigang gumagamit ng drugs.

Naka-concentrate ngayon ang kanyang panahon sa career at gusto niyang maging aktibong muli sa paggawa ng pelikula. Pinabulaanan niya ang balitang hindi siya boto kay Glydel Mercado bilang future daughter-in-law. Walang masabi si Liza sa kabaitan nito at boto nga siya rito para mapangasawa ng kanyang anak na si Tonton Gutierrez.

Abala ngayon si Liza sa pagpo-promote ng Marital Rape na tinatampukan nina Patricia Javier, Raymond Bagatsing at Snooky Serna.
"SIS," maganda ang mga programa
Magaling na direktor si Louie Ignacio kaya hindi kami magtataka kung bakit kahit bago pa lang ang programang Sis nina Janice de Belen at Gelli ay gumaganda na ang rating nito.

Nagustuhan ng maraming viewers ang reunion ng mga taga-LVN Pictures sa pangunguna nina Nida Blanca at Nestor de Villa gayundin ang reunion ng mga taga-Sampaguita Pictures. Sana raw ay may reunion din ang mga taga-Premiere Productions.

Masaya din ang episode tungkol sa iba’t-ibang prediction ng mga psychic. Higit pang pinaganda ang mga topic na nagbibigay din ng magagandang mensahe. Iisa lang ang napuna nang lahat at ito’y ang pagbabago ng personalidad ni Janice na naging smarte ngayon at higit na gumanda. Napangalagaan pa niya ang kanyang katawan na balingkinitan na ngayon.

vuukle comment

BANYO QUEEN

BUHAY KAMAO

CENTER

KANYANG

NIYA

SIYA

YNEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with