^

PSN Showbiz

Married actor, may gf na bagets

SUNTOK SA BUWAN - Emy Abuan Bautista -
May nakakita sa dating sikat na aktor na pambato noon ng isang kompanya na may kasamang bagets sa isang eatery at sweet na sweet ang dalawa habang nakaakbay pa ang aktor. Palagay nila ay bagong karelasyon nito ang magandang bagets. Ano kaya ang masasabi ng asawa nito na isa ring aktres at aktibo pa rin hanggang ngayon sa showbiz lalo na sa telebisyon?

Hindi na kami magtataka kung bakit kahit nagkaedad na ang aktor ay patuloy pa rin ang pagiging palikero nito. Balita kasi na gumagamit pa rin ito ng ipinagbabawal na gamot.

Minsan kasi ay nai-book ito para maging guest sa isang TV noontime show ng isang talent coordinator pero mag-uumpisa na ang show ay wala pa ito. Nang tawagan sa bahay ang aktor ng kunsimidong TC ay nakausap naman ang aktor pero sa pagsasalita pa lang ay inakala nitong waring lasing ang aktor-malamang na hindi sa alak kundi sa droga.

Paminsan-minsan ay lumalabas pa rin sa telebisyon ang aktor gayundin sa pelikula dahil magaling naman itong umarte. Nanggaling ito sa angkan ng mga artista.
Sunshine, malapit nang manganak
Hindi lang si Lindsay Custodio ang malapit nang manganak sa buwang ito kundi gayundin si Sunshine Cruz. Nagkaroon ito ng baby shower noong September 9 sa kanilang bahay sa Kamuning na dinaluhan ng malalapit na kaibigan. Angelika Isabel ang ipapangalan nila sa kanilang first baby.

Nagdaos sila ng first wedding anniversary last September 14.

Hindi muna lalabas sa pelikula si Sunshine at magko-concentrate muna sa pagiging housewife at ina, plano niyang magpa-breast feed.

Sa kabilang banda, pumirma na si Cesar ng kontrata sa GMA para sa episodes ng Larawan na gagawin ngayong Oktubre. Sa last episode ay gusto niyang makasama ang kanyang asawa.
Assunta, nag-aral lumangoy
Hindi na Ilog Pasig ang pamagat ng latest movie ng Seiko na tatampukan ni Assunta de Rossi kundi Sisid na.

Gagampanan ng seksing aktres ang papel ng isang sirkera sa aquarium na first time niyang ginagampanan.

Sinabi ng aktres na magaling ang direktor nila sa pelikula na si Joey Romero.

Para maging makatotohanan sa role na ginamapanan ay nag-aral lumangoy, sumisid at sumirko-sirko si Assunta sa Celebrity Club kung saan madali naman siyang natuto.
Solar, interesado kay Juday
Mula nang kumita nang husto ang pelikulang Ba’t Di Totohanin na tinatampukan nina Judy Ann Santos at Piolo Pascual ay pinag-aagawan na naman ng mga prodyuser ang aktres. Katunayan ay marami siyang ginagawang pelikula ngayon gaya ng Asa Ka Pa katambal si Cogie Domingo under Regal Entertainment. Nakalinya ang pelikulang pagsasamahan nila ni Efren Bata. Nakalinya rin ang proyektong pagtatambalan nila ni Dingdong Dantes for Viva na posibleng magiging entry nila sa darating na Metro Manila Film Festival.

Interesado rin si Wilson Tieng na makuha ang serbisyo ni Juday para sa isang pelikula under Solar Films. May one-picture contract pa yata siya sa kompanya kung saan may ginawa siyang movie noon under Crown Seven at Solar Films. Kapag natuloy ang negosasyon nila ni Alfie Lorenzo ay nais ng prodyuser na makapagsimula na sila ng syuting at baka makatambal niya si Cesar Montano.
Daniel, magtutuluy-tuloy na sa pulitika
Noon pa man ay sinasabi na sa akin ni Daniel Fernando na talagang nasa dugo niya ang pulitika. Kaya naman nang manalo siyang board member sa Bulakan maraming magagandang proyekto ang plano niyang gawin.

Balang araw gusto niyang tumakbo sa mas mataas na posisyon.

Hindi pa rin nawawalan ng movie assignment ang aktor. Kasalukuyan siyang nagsusyuting ng pelikulang Bay Angels under True Color Productions.

vuukle comment

AKTOR

ALFIE LORENZO

ANGELIKA ISABEL

ASA KA PA

ASSUNTA

BAY ANGELS

CENTER

SOLAR FILMS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with