^

Punto Mo

‘Ice Candy’ (Part 4)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

KAHIT nahirapan ako sa pagtakbo dahil sa bigat ng styro box na may lamang ice candies, pinilit kong makalayo at huwag maabutan ng grupong nangingikil sa akin. Tiyak na bubugbugin nila ako kapag nahuli. May nakita pa akong mga Indian pana na dala ang grupo. Mula nang may mga ilipat na tao sa aming barangay na mga biktima ng bagyo at baha, nagsimula nang dumami ang mga grupo at gang na naghari-harian. Naging laganap ang pangingikil at mga pananakot lalo sa mga kabataan.

Nagpatuloy ako sa pagtakbo. Pagod na pagod na ako.

Hanggang may matanaw akong grupo ng mga lalaki. Kasalubong ko sila. Namukhaan ko ang grupo—sila ang unang grupo na nangikil sa akin kanina!

Ang grupong ito ay mahigpit na kalaban ng ikalawang grupo na humahabol sa akin.

Tiyak na magsasagupa sila ngayon. Kapag nagkita ang magkalabang grupo, umaatikabong riot ang nangyayari. May namamatay dahil sa saksak, tusok ng pana at baril.

Kinabahan ako. Maiipit ako sa labanan. Wala na akong tatakbuhan.

Maya-maya, narinig ko ang sigawan at yabag ng mga paa.

Sumusugod na sila!

Maiipit ako sa labanan!

(Itutuloy)

ICE CANDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with