^

Punto Mo

‘Ice Candy’ (Part 3)

HINDI MALILIMUTANG KARANASAN - Ronnie M. Halos - Pang-masa

NAGHANAP ako ng ibang daan para maiwasan ang mga kabataang ­nangingikil. Pero wala rin pala akong pasusuutan sapagkat isang grupo rin ng mga mangingikil ang sumalubong sa akin. Ibang grupo ito na kalaban ng unang grupo na iniwasan ko kanina.

“Opps, ang mga dumadaan dito, nagbibigay. Hindi namin pinadadaan ang mga hindi nagbibigay,’’ sabi ng lider ng grupo. Matabang lalaki.

“Bigyan mo kami ng ice candy, dali!” sabi ng lider.

Umalma ako.

“Ayaw ko!”

“Aba matigas ito ah!”

“Hindi ako magbibigay!”

Nagalit ang lider at hinawakan ang tali ng styro box na pasan ko.

“O buksan n’yo ang box! Ubusin natin ang ice candy,” utos ng lider.

Pero bago mabuksan ang styro box, iniwaksi ko ang pagkakahawak ng lider sa tali at mabilis akong nagtatakbo.

Pinilit kong bilisan ang pagtakbo kahit na mabigat ang pasan kong box.

Hindi ako susuko sa mga mangingikil.

(Itutuloy)

ICE CANDY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with