^

Punto Mo

Mga estudyante sa Hong Kong, nakatanggap ng Guinness matapos gawing papel ang tae ng panda!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

NAKAPAGTALA ng world record ang daan-daang elementary at high school students sa Hong Kong nang mag-recycle sila ng tae ng panda para gawin itong papel!

Kinumpirma ng records keeping organization na Guinness World Record na ang 369 na mga estudyante sa Hong Kong ang bagong taga­paghawak ng titulong “Largest Animal Feces Paper Making Lesson”. Ito ay matapos sabay-sabay silang gumawa ng papel mula sa tae ng panda.

Naganap ang natu­rang record breaking attempt sa Ocean Park, isang theme park, zoo at oceanarium.

Ang isang adult panda ay kayang tumae ng 10 kilos sa isang araw. Dahil bamboo lamang ang tanging kinakain ng mga panda, magandang gamitin ang tae ng mga ito para maka­gawa ng papel dahil natutunaw sa sikmura nila ang fructose at nahihiwalay nila ang fibers nito. Sa China, ilang taon ng gumagamit ng panda feces ang ilang kompanya roon para gawin itong toilet paper.

Ayon sa event organizer, ang pakay nila sa event na ito ay ma-promote sa mga kabataan ang environmental awareness.

vuukle comment

GUINNESS WORLD RECORD

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with