^

Punto Mo

‘Pinakamaliit’ na doktor sa buong mundo, matatagpuan sa India!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG 23-anyos na lalaki sa India ang naging patunay na walang imposible sa taong marunong ­mangarap at magsikap. Dahil sa kabila ng kondisyon nito na dwarfism, siya ay tinagurian ngayon bilang “World’s Smallest Doctor”.

Si Ganesh Baraiya ay ipinanganak sa Talaja Thaluka, Gujarat, India. Sa edad na apat, napansin na ng kanyang mga magulang na mabagal ang kanyang paglaki. Nang ipinatingin siya sa isang espesyalista, nalaman na mayroong dwarfism si Ganesh.

Hindi naging hadlang kay Ganesh ang kanyang ka­lagayan at naging inspirasyon pa niya ito para maging doktor. Nagpursigi sa pag-aaral si Ganesh para tumaas ang kanyang mga grades. ­Pagka-graduate ng high school, nag-apply siya para kumuha ng Bachelor of Medicine and Bachelor of Surgery degree (MBBS).

Kahit pumasa siya sa entrance exam, hindi siya pinahintulutan ng Medical Council of India dahil sa kanyang height na 3 feet. Ayon sa mga ito, hindi niya magagawa ang kanyang mga tungkulin lalo na kapag may emergency dahil sa kanyang height.

Hindi sumuko si Ganesh at umapela siya sa mga kinauukulan hanggang sa umabot ang kanyang apela sa Supreme Court ng India. Taon 2018, pinanigan ng korte si Ganesh at pinahintulutan na siyang kumuha ng MBBS degree.

Sa kasalukuyan, isa nang ganap na doktor si Ganesh at nagtatrabaho na bilang intern sa Sir Takhtasinhji General Hospital.

vuukle comment

DOCTOR

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with