^

Punto Mo

Manang Rose (253)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

HINDI agad tumayo sa kinauupuan si Manang Rose at nakiramdam sa taong nagbukas ng pinto. Baka naman si Mam Norma, ang tagapangalaga ng farm house. Baka may kukuning gamit dito sa salas. Baka naman may sasabihin sa kanya. Pero wala siyang narinig na yabag. Parang tumigil sa paghakbang ang taong nasa pintuan.

Naisip ni Manang na baka naman sina Eliz at Gino ang dumating. Pero dapat tinawag siya ng mga ito. At hindi na titigil pa sa pinto.

Naghintay pa si Manang. Baka naman guni-guni lamang niya na may pumasok sa pinto. Baka nananaginip lamang siya. Napasarap kasi ang tulog niya. Nabusog kasi siya dahil masarap ang pagkain na inihanda.

Nang wala pang kumikilos sa may pinto ay ipinasya na ni Manang na magsalita. Gusto niyang makasiguro.

“Sino yan?”

Walang sagot.

Pero pakiramdam ni Manang, may taong nakatingin sa kanya.

“Sino po ba ‘yan?’’ ulit niya.

Hanggang sa makarinig si Manang ng dahan-dahang yabag­. Parang hindi sumasayad sa sahig.

Nakamaang si Manang. Halos hindi humihinga.

“Please sino po ba yan? Bisita lang po ako rito,’’ sabi ni Manang na humihingi ng paumanhin.

Hanggang sa lumantad ang may-ari ng mga yabag.

Tumigil mga limang metro ang layo kay Manang.

Nagkatinginan.

Walang kurap.

Parang tumigil ang mundo.

Hindi makapaniwala.

At halos sabay silang nagsalita.

“Rene!” sabi ni Manang.

“Rose!” sabi ni Sir Rene. (Itutuloy)

 

vuukle comment

MANANG ROSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with