^

Punto Mo

Simpleng tips na magpapabago ng inyong buhay  

DIKLAP - Annabelle O. Buenviaje - Pang-masa

1. Hugasan ang inyong kamay ng tubig at asin upang matanggal ang negative energy tuwing first Sunday ng bawat buwan.

2. Magbudbod ng cinnamon powder sa bawat sulok ng inyong bahay upang maiwasan ang palagiang pagtatalo ng mga magkakasama sa bahay. Habang nagbubudbod ng cinnamon powder, ibulong sa hangin: Pagmamahalan ang mananatili sa tahanang ito.

3. Ang tubig na ipambabasa sa basahang ipampupunas ng sahig ay haluan ng suka at asin. Mahusay itong magtanggal ng bad energy sa loob ng bahay.

4. Magdispley ng oranges at lemon sa inyong bahay upang mapasainyo ang kasaganaan ng buhay. Kung wala, palibutan mo ng dahon ng lemon o dalandan ang inyong bahay.

5. Maglagay ng ilang pirasong bato ng tawas sa ilalim ng iyong bed upang matanggal ang bad energy na namamahay dito. Dapat ay malinis ito at hindi tinatambakan ng kung anu-anong kalat.

6. Kung gusto mong matupad ang pangarap mong mag-abroad, maglagay ng world globe na puwedeng ikutin sa Northwest direction. Paikutin mo ito araw-araw nang pakanan.

7. Kung nais mong makaakit ng maraming kostumer magdispley ng larawan o figurine ng red lotus sa Southeast ng tindahan o bahay.

8. Iwasang gumamit ng lumang diyaryo para pansapin sa kitchen shelves, or aparador. Lumilikha lang ito ng hindi magandang energy sa kitchen o closet.

9. Kung may bell ka na parang sa sorbetero, patunugin ito araw-araw  sa bawat sulok ng bahay para maiwasan ang away sa pagitan ng magkakapamilya.

10.Kung ikaw ay pupunta sa isang importanteng legal works: Bago umalis ng bahay ay magbalot ka ng 9 cloves at ibalot sa black cloth. Ilagay ito sa bulsa para maging favor sa iyo ang resulta. Pag-uwi sa bahay, sunugin ang black cloth at cloves at itapon sa dumadaloy na tubig ang abo gaya ng ilog o i-flush sa toilet. Nabibili ang cloves sa mga supermarkets sa condiment section.

vuukle comment

BUHAY

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with