Babae sa India na sobra ang mga ngipin, nakatanggap ng Guinness World Record!

ISANG 26-anyos na babae sa India ang nakatanggap ng Guinness World Record dahil sumobra ang kanyang mga ngipin!

Inanunsyo kamakailan ng Guinness World Records na si Kalpana Balan ng Thanjavur, Tamil Nadu ang pinakabagong nagmamay-ari ng world record title na “Most Teeth in a Person’s Mouth (Female) matapos makumpirma na mayroon siyang 38 ngipin.

Ang pangkaraniwang bilang ng ngipin sa isang human adult ay 32 lamang. Ngunit si Balan ay may sobrang apat na mandibular teeth sa kanyang lower jaw at may sobrang maxillary teeth sa kanyang upper jaw. Ang tawag sa sobrang mga ngipin na ito ay “supernumerary teeth”.

Ayon kay Balan, nagsimulang tumubo ang kanyang mga supernumerary teeth noong siya ay teenager. Balak niya sana ito noon ipatanggal ngunit sinabihan siya ng kanyang dentista na ipagpaliban muna ito at hintayin muna na lumabas lahat ng kanyang supernumerary teeth para sabay-sabay na itong bunutin. Sa kalaunan, nagpasya na si Balan na huwag na itong ipabunot dahil wala namang naidudulot ang mga ito na pananakit sa kanyang bibig at hindi naman ito sagabal sa kanyang pagnguya.

Lalo pang lumaki ang pag-asa ni Balan na mapapasakamay niya ang world record title dahil ayon sa kanyang dentista, may papausbong pa na dagdag na dalawang ngipin sa kanyang bibig.

Show comments