^

Punto Mo

Manang Rose (210)

Ronnie M. Halos - Pang-masa

“Paano kung malaman ni Manang na nakikipag-communicate ka kay Rene? Baka magalit yun?’’ sabi ni Gino sa kasintahan.

Nag-isip si Eliz.

“Sa palagay mo masama ang gagawin ko, Gino?’’

“Hindi naman. Wala ka namang intensiyon na masama.’’

“Gusto ko lang naman na may malaman pa sa kanilang pag-iibigan na hindi natuloy. At kung magpapaalam naman ako sa kanya, baka hindi ako payagan.’’

“Sige kung sa palagay mo ay wala namang mapiperwisyo e di ituloy mo.’’

“Salamat sa payo, Gino.’’

“Teka muna. Paano kung ang hindi pumayag ay ang asawa ni Rene—yung babaing nang-agaw—baka magka­problema. Siyempre, sangkot ang babae sa pagkakahiwalay ni Rene at Manang Rose.’’

“Oo nga ano?’’

“Baka magkaroon ng problema.’’

“Anong gagawin ko?’’

“Alamin mo muna kung sino ang asawa ni Rene—malay natin, hindi rin sila ang nagkatuluyan.’’

“Oo nga puwede.’’

“Kapag natiyak mo na ang babaing nang-agaw ang asawa ni Rene, itigil mo na ang pagsisiyasat sa buhay niya—delikado ang gagawin mo.

“Oo Gino.’’

Ginawa ni Eliz ang pag-iimbestiga kay Rene.

Makalipas ang ilang araw may ibinalita siya kay Gino.

“Natunton ko na si Rene!’’

“Anong na-research mo?’’

“Single siya—walang dyowa!’’

Gulat si Gino.

“Paano nangyari yun? Nasaan ang babaing nang-agaw?’’

“’Yan ang tutuklasin ko.’’

Makalipas ang isang araw, niyaya ni Eliz si Gino.

“Samahan mo ako na makipagkita kay Rene, Gino.’”

(Itutuloy)

vuukle comment

MANANG ROSE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with