^

Punto Mo

DPWH kinalampag sa mabagal na Lagusnilad repair

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

AYAN na nga at tuluyan nang tinaningan ng pamahalaang lungsod ng Maynila ang Department of Public Works and Highways (DPWH), kaugnay sa ginagawang pagkukumpuni sa Lagusnilad.

Hanggang Nobyembre 15 ang ibinigay na palugit ng Manila LGU para tapusin ang naturang repair.

Marahil nakarating na rin siguro sa kaalaman ng Maynila ang marami nang reklamo ng mga motorista na mahabang panahon na rin naabala at naapektuhan sa ginagawang Lagusnilad.

Hindi naman lingid na dahil sa isinarang Lagusnilad eh tumutok o sumikip ang trapik sa lugar sa harap lamang ng Manila City hall.

Noong una nauunawaan ito ng mga motorista, pero tila patagal na nang patagal ang paggawa kaya nag-aalburoto na ang mga ito.

Pansin naman talaga ng mga motorista na mabagal ang paggawa dito.

Nabatid na nasa P50 milyong pondo pala ang naibigay ng pamahalaang lungsod para sa repair na sa orihinal ito ay responsibilidad umano ng DPWH.

Nakapag-ambag ang ahensya ng nasa P25 milyon lamang.

Natapos na umano ng lokal na pamahalaan ang rehabilitasyon ng porsyon na nakatalaga sa kanila nitong Setyembre, habang tinatapos pa ng DPWH ang porsyon nila.

O di ba, ginastusan na para mapadali hindi pa rin natapos sa itinakdang petsa ang repair.

Dapat talagang makalampag dito ang ahensya, na talaga namang marami ang nababagalan sa paggawa.

Baka nga umano abutin pa ito ng Disyembre kung saan inaasahang madodoble ang trapik sa lansangan dahil sa holiday seasons.

Makailang ulit na ring inihayag ng Maynila na bubuksan na ang pangunahing daan, pero patuloy itong nauudlot.

Ngayon antabayanan natin kung matatapos ito sa itinakdang palugit ng Manila LGU.

vuukle comment

DPWH

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with