^

Punto Mo

BSKE tapos na, mukha ng ilang kumandidato nananatiling nandyan!

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

Isang linggo pagkatapos ang isinagawang Barangay at Sangguniang Kabataan Elections, kung saan nga karamihan sa mga nanalo eh naideklara na, pero tila hanggang ngayon eh marami pa rin ang hindi na tumugon sa paglilinis sa kanilang campaign materials.

Hindi nga lang malaman kung ang mga ayaw maglinis na ito eh yung mga natalo na wala nang pakialam na alisin ang kanilang kalat.

Mas lalo namang masaklap kung ang nakakabit pa ring mga election materials ay sa mga nanalong kandidato.

Magkagayunman, nanalo o natalo, obligasyon ng mga tumakbo sa nagdaang halalan na boluntaryo nilang baklasin at linisin ang mga ginamit nilang campaign materials.

Sa ilalim ng Commission on Elections (Comelec) Resolution 10924 Section 256 na dapat na alisin ng lahat ng kandidato ang kanilang election propaganda na ipinaskil nila, sa loob ng limang araw, matapos ang eleksiyon.

Pero ngayon lagpas na limang araw at isang linggo na nga ang nakalipas, may ilan pa ring nasusumpungang tila hindi gumagalaw.

Lagi dapat isipin sa tuwing may idaraos na halalan sa bansa na agad na maialis ang mga election propaganda nang mapanatiling malinis ang paligid.

Kaya nga naglalaan ng lugar para sa pagkakabit ng election materials ay para hindi sa kung saan-saan na lang na talaga namang ika nga eh masakit sa paningin.

Dapat na alam ng mga kumandidato ang kanilang mga responsibilidad, manalo man o matalo para maisulong at mapairal ang malinis na kapaligiran.

vuukle comment

BSKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with