^

Punto Mo

Babae sa Japan, inaresto matapos gumawa ng libro na nagtuturo kung paano mang-scam ng mga matatandang lalaki!

MGA PANGYAYARING KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG social media influencer sa Japan ang inaresto dahil sa paggawa at pagbebenta ng libro na nagtuturo kung paano huthutan ng pera ang mga “sugar daddies” at mga “dirty old men”!

Inaresto ng mga awtoridad noong Agosto ang 25-anyos na si Mai Watanabe ng Naka-ku, Nagoya. Ito ay dahil sa mga librong isinulat niya na pinamagatang “Textbook for Sugar Babies: The Right Profile” at “Magical Words to Make Men Pay”.

Ang mga nabanggit na libro ay nagsisilbing manual para sa mga kababaihan na gustong kumita ng pera sa pamamagitan ng pagkakaroon ng “sugar daddy” o D.O.M.

Ayon sa mga nakabasa na ng libro, detalyado ang mga instructions na mababasa rito. Itinuturo rito ang kung paano maghanap ng sugar daddy, paano sila lalapitan at aakitin at kung paano ang tamang pang-uuto sa mga ito.

Sa panayam sa Naka Police Department, nagsimula ang pagbebenta ni Watanabe ng mga libro sa kanyang mga social media followers noong 2022. Nagkakahalaga ang mga libro ng 10,000 Yen (katumbas ng P3,700) hanggang 20,000 Yen (P7,400).

Nag-aalok din si Watanabe ng face to face private lesson sa mga gustong makita ng personal kung paano perahan ang isang sugar daddy. Bago maaresto, nakapagbenta ng mahigit 2,000 kopya ng mga libro si Watanabe.

Naging mainit sa mata ng mga awtoridad si Watanabe noong may maaresto sila na 20 anyos na dalaga na nakapang-scam ng 10 million yen sa dalawang matandang lalaki sa Aichi Prefecture. Ayon sa dalaga, natutunan niyang mang-scam sa tulong ng libro ni Watanabe. Simula noon, nagkaroon na ng imbestigasyon sa kanya.

Dahil sa imbestigasyon, napag-alaman na beterano na sa panghuhuthot ng pera si Watanabe dahil may mga report na mahigit 150 million yen na ang natanggap niya mula sa iba’t ibang kalalakihan.

Sa ngayon, nasa kustodiya ng pulis si Watanabe at naghihintay kung ano ang kahihinatnan ng kanyang kaso.

vuukle comment

SCAM

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with