^

Punto Mo

POGO umaabuso!  

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

PARAMI nang parami ang natutuklasang mga paglabag ng ilang Philippine Offshore Gaming Operations (POGO) hub sa bansa.

Ang pinakahuli nga rito eh ang natuklasan ng  Presidential Anti -Organized Crime Commission (PAOCC) na torture chamber sa loob ng sinalakay na POGO hub noon lamang nakaraang linggo sa Pasay City.

Aba’y talaga nga namang maging si PAOCC Executive Director Gilbert Cruz, eh ikinagulat ang mga nakitang iba’t ibang torture device na pinaniniwalaang  ginagamit ng mga Chinese sa mga nagkakaatraso sa kanila.

Sinalakay ang naturang POGO hub sa Pasay City dahil sa mga ulat na ilegal ang operasyon nito.

May impormasyon din na sangkot ito sa iba pang ilegal na aktibidades tulad ng sex trafficking, love at crypto scam.

Talagang matindi na ang ganitong ilegal na gawain na ang naka-front eh ang POGO.

Kung tutuusin, lubhang nakakadagdag pa talaga sa mga paglaganap at tinututukang krimen ang mga ito.

Kaya nga matindi ang  panawagan ng ilang mga senador na tuluyan na itong i-ban sa bansa.

Sulit ba ang kinikita ng bansa sa mga POGO na ito, o baka nga wala namang kapakinabangan at nagdudulot pa ng perwisyo.

Sa ilang mga naunang naging pagsalakay sa ibang POGO hub hindi lang sa Metro Manila kundi maging sa lalawigan, natuklasan sangkot ang ilan sa human trafficking.

Ilan na nga sa mga ito ang tuluyang ipinasara ng DILG at ng PAGCOR.

Patuloy na umaasa ang maraming ayaw sa POGO na tuluyan nang madesisyunan kung dapat pa bang manatili ito sa bansa, o tuluyan na iyong mag-goodbye.

vuukle comment

POGO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with