^

Punto Mo

Seguridad ng mga guro sa halalan, dapat ding tutukan  

RESPONDE - Gus Abelgas - Pang-masa

NASA 22 na naitala ng Philippine National Police (PNP) ng election-related violence na may kinalaman sa nalalapit na Barangay at Sangguniang Kabataan Elections.

Ilang araw na lang yan, at sasapit na nga ang halalan kung saan patuloy ang nagaganap na mga karahasan at patayan na talagang nakakaalarma.

Kabilang nga sa mga naitalang karahasan ng halalan ang pamamaril, pagdukot, pananakot, indiscriminate firing, harassment at iba pa.

Karamihan sa mga ito ay sa mga rehiyon sa labas ng NCR.

At dahil nga rito, sa ganitong mga insidente, ilang mga guro na magsisilbing Board of Election Inspectors (BEIs) para sa BSKE, ang hindi masisisi sa pag-atras dahil sa pangamba sa kanilang buhay.

Kaya nga anut-anuman kung kulangin ang mga guro naka-standby ang mga pulis para humalili sa mga ito na magsilbing BEIs.

Malaki ang aasahan ng ating mga kababayan sa PNP sa araw at pagkatapos ng halalan sa pagpapanatili sa peace and order.

Hindi lang nga sa mga botante kundi maging sa mga guro na mangangasiwa sa halalan.

Malaki rin ang maitutulong ng mga botante para sa maayos na halalan at huwag nang madamay sakaling may sumiklab pang kaguluhan.

Kung maaari nga lang sana pagkatapos na bumoto, umuwi na hayaan na sa mga itinalagang watchers ang pagbabantay sa inyong boto.

Sana nga ay mairaos nang payapa ang halalan at wala nang sumiklab pang matitinding karahasan hanggang sa matapos ang bilangan.

vuukle comment

ELECTION

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with