^

Punto Mo

Maari pa bang makasuhan para sa mga tumalbog na tseke matapos ang 5 taon?

DEAR ATTORNEY - Atty. Aeron Aldrich B. Halos - Pang-masa

Dear Attorney,

Puwede pa ba akong mademanda para sa mga tseke kong tumalbog limang taon na ang nakararaan? —Ryan

Dear Ryan,

Maari kang makasuhan ng estafa at ng paglabag sa Batas Pambansa (BP) Bilang 22 para sa pag-iisyu mo ng tumalbog na tseke.

Ayon sa Section 1 ng Act No. 3326 ang prescriptive period o ang panahong inilaan ng batas para sa pagsasampa ng reklamo para sa violation ng BP 22 o Anti-Bouncing Checks law ay apat na taon mula sa araw ng pagsagawa ng nasabing krimen o kung hindi man ito alam nang ito’y isagawa, apat na taon mula sa pagkakadiskubre nito.

Nakadepende  naman sa halaga ng tseke ang prescription period ng estafa na isinampa dahil pagtalbog ng tseke. Maari itong maglaro mula lima hanggang 15 taon mula sa pagkakadiskubre ng krimen.

Alinsunod sa mga nabanggit, maari kang sampahan ng kasong paglabag sa BP 22 sa loob ng apat na taon mula nang madiskubre ang krimen na kadalasan ay binibilang mula sa araw na i-dishonor ng banko ang tseke.

Kung estafa naman ang isasampa sa iyo ay nakadepende ang prescriptive period sa halaga ng mga tsekeng tumalbog, ngunit lumalabas na malaki ang posibilidad na maari ka pa ring masampahan dahil limang taon na ang pinakamaikling prescriptive period na nakasaad sa batas.

Mahalaga ring malaman na ukol lamang sa mga kriminal na kaso ang mga nabanggit. Pagdating sa kasong sibil kung saan ang layunin ay para mabawi ang halaga ng mga tsekeng tumalbog at ang daños para sa idinulot na perwisyo ng mga ito ay may 10 taon ang complainant mula sa petsa na nakalagay sa tseke para makapagdemanda.

vuukle comment

CHECKE

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with