^

Punto Mo

Mga tupa, aksidenteng nakakain ng 100-kilo ng marijuana!

KAGILA-GILALAS - Arnel Medina - Pang-masa

ISANG kawan ng mga tupa ang nakaubos ng 100-kilo ng medical marijuana sa isang greenhouse sa Magnesia, Greece!

Sa panayam kay Yiannis Bourounis, ang may-ari ng greenhouse, nitong mga nakaraang buwan, nasalanta ng heat wave at bagyo ang kanyang mga tanim na ­medical marijuana at kaunti na lang natira.

Kaya hindi niya akalain na ang uubos sa mga natira niyang tanim ay ang mga tupa na pansamantalang inilikas sa lugar kung nasaan ang kanyang greenhouse.

Ang mga tupa ay mga refugee mula sa isang pastulan na binaha ng Cyclone Daniel na sumalanta sa Greece, Libya, Bulgaria at Turkey.

Ayon sa tagapag-alaga ng mga tupa, huli na nang makita niya na napasok ng mga tupa ang greenhouse. Naubos na ng mga ito ang 100-kilo ng marijuana at iba na ang ikinikilos ng mga ito. Naglulundagan ang mga tupa at mas mataas pa sa kambing ang talon ng mga ito.

Ang paggamit ng marijuana para sa medical purposes ay naging legal sa Greece simula noong 2017.

vuukle comment

MARIJUANA

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with