^

Punto Mo

‘Tabakuhan’ sa Metro, binulabog ng RSOG!

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

Nabulabog ang tabakuhan sa Metro Manila dahil sa walang humpay na raid na isinasagawa ng Regional Special Operations Group (RSOG) ni NCRPO chief Brig. Gen. Jose Melencio “Tateng” Nartatez. Marami sa pipitsuging sugal lupa ang napilitang magsara sa takot na mahagip sila ng mga taga-RSOG na pinamumunuan ni Lt. Col. Edmar Christian Allen Tuburan na miyembro ng PNPA Class 2011.

Kapag nahulihan kasi sila ni Tuburan, tiyak mahina ang isang baldeng luha ang sasayangin ng mga financiers kasi ang piyansa sa amended na batas ng illegal gambling ay tumataginting na P30,000. Araguuyyyyy! Hehehe! Kapag sampu katao ang natangay sa puwesto ng gambling lords, abayyyyy masakit din sa bulsa, di ba mga kosa? Mismooooo!

Ang pananalasa ng RSOG ay alinsunod sa kautusan ni PNP chief Gen. Benjamin Acorda Jr., na “no take policy” sa illegal gambling, na mahigpit na sinundan ni Nartatez. Itong no take policy ni Nartatez ay ipinagpatuloy lang niya noong nasa Calabarzon police pa siya. Mismooooo! Kaya lang hindi naman ginaya ni PRO4-A director Brig. Gen. Carlito Gaces ang sinimulan ni Nartatez kaya’t hayun…nangangayayat ang financiers ng sugal lupa sa Southern Tagalog dahil sa hataw ng mga tong kolektor. Hehehe! Nagbago ng mukha ang mga tong kolektors sa Calabarzon, ayon sa mga kosa ko. Ambot sa kanding nga may bangs!

Dapat mahigpit na bantayan ni Nartatez ang mga operatiba niya dahil me raket din sila at baka mapurnada ang ambition niya. Mismooooo! Heto ang ehemplo! May hinuli ng nakaraang Miyerkules ng gabi ang taga-RSOG na cara y cruz sa patay sa Cardiz St., Bgy. Tatalon, Quezon City at nilimas ang mga bulsa ng mga inarestong manunugal. May isang sugarol na natangayan ng P100,000. Araguuyyyyy! “Wag naman ganunnnnn! Hehehe! Weder-weder lang talaga!

Sinabi ng mga kosa ko na mahigit 10 katao, kabilang na ang naglalamay, ang naaresto ng mga tauhan ni Tuburan. Ang masakit karamihan sa kanila ay pinauwi lang matapos magbayad ng P5,000. Ano ba ‘yan? Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan, di ba mga kosa? Ano pa nga ba!

Para magkalinawan, pakisilip lang Gen. Nartatez Sir ang Gcash ng isang Cpl. Mendoza at baka may makuha kang ebidensiya. Mismoooo! Sa panahon ngayon ng mga gadgets, wala ka ng maitago pa, di ba mga kosa? Tsaka ipadala ni Nartatez si Col. Jess Mendez, NCRPO intel chief, sa Cardiz St., sa Bgy. Tatalon para ma-validate ang sumbong laban sa taga-RSOG. Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Ayon sa mga kosa ko, nagtataka ang gambling financiers dahil “Tuluy-tuloy naman ang parating namin, bakit hinuhulihan pa kami?” ‘Wag naman ganunnnnn!

Teka, teka! May breaking news ako! Pinasok ng mga pulis ang bahay ng gambling lord na si alyas Onching sa Pasay City at kinulimbat ang vault niya na naglalaman ng dalawang manok. Ang ibig kong sabihin mga kosa ay tumataginting na P2 milyon ang nalagas kay Onching. Hindi pa nakapagpipiyansa si Onching dahil weekend siya nadale. Ano ba ‘yan? Hehehe! Oplan pagpapakilala lang kaya ‘to?

Suportahan natin ang malawakang raid ng RSOG vs sugal lupa mga kosa subalit ipararating ng Dipuga kay Nartatez ang raket nila. Abangan!

vuukle comment

NCRPO

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with