^

Punto Mo

‘Drug matrix’, hard evidence vs 18 PNP ­officials?

DIPUGA - Non Alquitran - Pang-masa

KUMALAT sa social media ang isang “drug matrix” matapos ianunsiyo ni President Bongbong Marcos na tinanggap n’ya ang courtesy resignation ng 18 3rd level police officials ng Philippine National Police. Ang drug matrix mga kosa ay ginawa ni ex-Chief Inspector Elmer Sarmiento, noong s’ya ay intelligence officer ng Bataan PNP. Si Sarmiento mga kosa ay inambus sa Mandaluyong City noong Holy Week ng Abril 2014 matapos dumalaw sa kaklase n’ya si Supt. Maristelo Manalo. Nasugatan sa ambush ang asawa ni Sarmiento na si Agnes. Hindi na naisumite ang drug matrix kay ex-PNP chief Alan Purisima at nabaon na sa limot ito. Eh di wow!

Kaya lang matapos mabulgar ni BBM ang mga pangalan ng mga pulis na tinanggap n’ya ang resignations, nabuhay ang drug matrix dahil ilan sa 18 police officials ay nandun ang mga pangalan sa listahan ni Sarmiento. Actually, 28 pulis ang isinangkot ni Sarmiento sa drug matrix n’ya na ang mga ranggo ay pinakamataas na ang superintendent o lt. colonel. Hehehe! Itong drug matrix kaya ang ginawang ebidensiya laban sa ilang police officials? Ano sa tingin n’yo mga kosa?

Sa ulat ni PCOO Secretary Cheloy Garafil, ang mga 18 police officials na tinanggap ang courtesy resignation ni BBM ay sina Brig. Gen’s. Remus Medina, Randy Peralta at Pablo Labra ll at mga Colonels na sina Rogarth Campo, Rommel Ochave, Rommel Velasco, Robin King Sarmiento, Fernando Ortega, Rex Derilo, Julian Olonan, Rolando Portera, Lawrence Cajipe, Dario Menor, Joel Tampis, Michael David, Igmedio Bernaldez, Rodolfo Albotra Jr. at Marvin Sanchez. Tsk tsk tsk! Ano kaya ang matibay na ebidensiya laban sa mga opisyal na ito na, ayon sa mga kosa ko sa Camp Crame, ay puro trabahador? Hay nakuuuuu! Ambot sa kanding nga may bangs!

Itong si Medina ay trusted man ni ex-PNP chief Debold Sinas, ganun din si Campo ni ex-PNP chief Guillermo Eleazar, samantalang si Menor naman ay dating close aide ni ex-PNP chief Edgardo Aglipay. Tsk tsk tsk! Paano kaya sila nasangkot sa droga? “Wag naman ganunnnnn! Hehehe! Kanya-kanyang gimik lang ‘yan!

Sa drug matrix naman ni Sarmiento ang pinangalanan n’yang kapwa n’ya pulis na sangkot sa droga ay sina Ochave, Cajipe, Velasco, Sarmiento, Tampis, Menor, at Campo. Ini-link sila ni Sarmiento sa drug lord na si Peter Sy. Araguuyyyyy! Na-validate na kaya ito? May iba pang opisyal na pinangalanan si Sarmiento subalit hindi sila nahagip dahil hindi pa sila 3rd level officers. Hehehe! May karugtong pa ito t’yak!

Itong sina Cajipe, Sanchez, Albotra, Ochave, Velasco, Sarmiento at David ay kaklase ni Sarmiento sa PNPA Class’ 96. Slated na sila na mag-heneral dahil nasa zone of consideration na sila ng PNP, di ba Lt. Gen. Rhodel Sermonia, PNP deputy chief for administration Sir? Tsk tsk tsk! Sana ‘wag naman madamay ang iba pang kaklase nila.

Marami ang nagtaka kung bakit biglang na-relieve si Labra bilang RD ng Caraga at ‘yaon pala sabit din s’ya sa droga? ‘Wag naman ganuunnnnn! Pero itong si Labra ay itinalaga ni ex-PNP chief Junaz Azurin sa puwesto n’ya. Ibig sabihin ba mahina ang intel ni Azurin, na s’ya ding nagtawag na courtesy resignation ng mga police officials? Hehehe! Kelangan pa bang i-memorize ‘yan?

Sa nangyayari sa ngayon sa PNP, mukhang nakamtan na ni Sarmiento ang hustisya. Mismooooo! Abangan

vuukle comment

PNP

Philstar
x
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with